^

Punto Mo

Manong Wen (111)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SAAN makikita ang boss n’yong si Chester?” tanong ni Princess sa dalawang kidnapers na itinali niya sa punong niyog na maraming hantik. Subalit ayaw pa ring magsalita ang dalawa ukol sa kinaroroonan ni Chester.

“Nasaan siya?”

“Hindi po namin alam!’’

Palakad-lakad si Princess sa paligid habang pinagmamasdan ang dalawang kidnaper na nakatali. Si Jo naman ay kinakausap si Precious na noon ay takot na takot pa rin.

“Sasabihin n’yo ba ang kinaroroonan ni Chester o bubulabugin ko pa ang mga hantik para gumapang na sa buong katawan n’yo?’’

Walang sagot ang dalawang kidnappers.

Kumilos si Princess at dinutdot ng hawak na arnis ang puno ng niyog na kinaroroonan ng bahay ng hantik. Lalong naglabasan ang mga hantik na binulabog ni Princess. Naglagitikan ang mga matatalim na ngipin. Gumapang na sa paa at pumasok sa loob ng pantalon. Kinagat!

“Aray ko po! Aray!” sabi ng isang kidnaper. Nagpipiglas ito at lalo lamang naglabasan ang mga hantik. Galit na galit.

Halos napasigaw din ang kasamang kidnaper nang gapangan ng hantik.

“Ano sasabihin n’yo na ang kinaroroonan ni Chester?”

“Opo! Opo! Nasa Bustillos po siya! Malapit po sa simbahan. Doon dinadala sa bahay niya ang mga kinikidnap na dalagita. Maraming dalagita roon na ibibenta sa mga Tsino at iba pang dayuhan.”

“Anong number ng bahay?”

Sinabi ng kidnaper. Pati ang itsura ng  bahay.

“Lagi ba siyang naroon?”

“Opo. Sarili nilang bahay yun. May sekretong lagusan po iyon sa likod. Dun siya dumadaan kung may mga parak.’’

Napatangu-tango si Princess.

“Pakawalan mo na po kami. Maawa ka na po! Ang sakit ng kagat ng hantik!”

Hindi kumilos si Princess.

Hanggang sa makarinig sila ng wangwang. Mga pulis!

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

ANONG

ARAY

GALIT

HANTIK

NASA BUSTILLOS

OPO

SI JO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with