^

Punto Mo

Publiko, mag-ingat sa internet

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MASYADONG malawak at maimpluwensiya ang internet kung kaya tinatangkilik nang marami.

Dapat ay maging matalino ang publiko sa mga nababasa at nasasagap na balita o impormasyon sa internet lalo na sa social media.

Pinakahuling impormasyon sa internet ay ang ulat na may 16 katao sa Quezon City ang tinamaan ng Ebola virus.

Maliwanag na mali ang impormasyon sa Ebola virus at dapat papanagutin ang may kagagawan nito.

Panahon na upang maghigpit ang gobyerno sa internet. Tiyakin na mapaparusahan ito lalo pa’t ang apektado dito ay publiko.

Madalas kasi na pinapalampas na lang ng gobyerno ang mga maling ipinakakalat na impormasyon sa internet kahit pa may batas ng umiiral dito.

Sa US at iba pang bansa, listo ang mga otoridad nila na kapag nalagay sa balag ng alanganin ang interes ng publiko. Agad na kumi­kilos upang sugpuin ito.

Sa bansa, kailangan pang mag-request ang DOH sa NBI para imbestigahan ang nagpakalat ng ebola virus samantalang ang sapol dito ay ang publiko. Dapat buong puwersa ng gobyerno ay kumilos upang bigyan ng leksiyon ang mga responsable rito.

Habang tutulug-tulog ang mga ahensiya, makabubuting tayo mismo ay maging matalino sa paggamit ng internet lalo na sa social media upang huwag mabiktima.

May magandang naidudulot ang internet subalit hindi sa lahat ng pagkakataon kaya dapat ay mag-ingat ang lahat.

vuukle comment

DAPAT

EBOLA

HABANG

INTERNET

MADALAS

MALIWANAG

PANAHON

PINAKAHULING

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with