^

Punto Mo

Manong Wen (78)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BALISA si Jo. Tiyak na mahalaga ang sasabihin ni Princess kaya tumatawag. At nataon ang pagtawag noong nabagsak ang cell phone kaya hindi niya nasagot ang tawag. Bakit kaya ayaw i-text ang dahilan nang pagtawag? At bakit hindi na inulit ang pagtawag sa kanya? Baka inisip ni Princess na pinabayaan na sila. At nahiya na si Princess na tumawag o mag-text kaya.

Hindi mapakali si Jo. Hindi malaman ang gagawin. Kailangang malaman niya ang dahilan ng pagtawag. Tiyak na mahalaga iyon. Kung tatawagan naman niya si Princess, baka mabisto na narito na siya. Ayaw niyang malaman ni Princess na nakabili na siya ng bahay at lupa.

Hanggang isang pasya ang kanyang nabuo --- susu­baybayan na niya ang magkapatid. Mamayang gabi, magmamatyag na siya sa bahay nina Princess. Magbabalatkayo siya. Magsusuot siya ng kakaiba para hindi mahalata. Kailangang makapasok siya sa bakuran ng bahay nina Princess para malaman ang dahilan nang pagtawag nito. Kabisado na naman niya ang gate nina Princess. Kayang-kaya niyang akyatin ang gate dahil pantay tao lang iyon. Kabisado na rin niya ang pintuan sa labas. Hindi na siya maliligaw sapagkat maraming beses na siyang nakarating sa bahay nina Princess. Ang kailangan lamang ay maging maingat siya at baka mabuking siya ni Princess.

Inihanda ni  Jo ang isu­suot. Itim na pantalon at itim na jacket. Itim na cap din ang isusuot niya. Mas maganda kung itim sapagkat hindi agad siya makikita.

Nang maihanda ang mga isusuot ay natulog muna siya. Kailangang matulog sapagkat maaaring mapuyat siya mamaya sa pagba­bantay kina Princess.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

ITIM

KABISADO

KAILANGANG

NIYA

PRINCESS

SIYA

TIYAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with