Alagaan ang buhok
NARITO ang mga makabuluhang tips kung paano pangangalagaan at pagagandahin ang buhok:
Paggamit ng shampoo at conditioner. Ang silbi ng shampoo ay upang linisin ang buhok mula sa mga dumi at alikabok o hair products na dumidikit dito. Ang conditioner ang nagpapalambot at nagpapadulas ng buhok.
Laging magpa-trim. Ito ang paraan upang matanggal ang split ends. At kung ikaw ay nagpapahaba ng buhok, makakatulong ang regular trimming sapagkat napapabilis ang pagtubo nito.
Matapos maligo, habang basa pa ang buhok, gumamit ng wide-toothed comb at hindi brush. Suklayin mula sa dulo pataas. Iwasan ang mismong roots. Ang silbi ng pagsusuklay ay upang ma-detangle ang mga buhol sa buhok. Mas mainam ang comb sapagkat mas epektibo ito sa basang buhok. Mas kaunti ang likelihood ng hair fall.
Huwag maniwala sa pagsuklay ng buhok ng 100 times upang gumanda ito. Although totoo na ito ay kikintab dahil nare-release ang natural oil sa anit, maaari ring magasgas ang scalp at mahila ang buhok.
Iwasan ang madalas na pagtatali ng buhok. Ang masyadong mahigpit na ponytail ay maaring maging sanhi ng headache.
Gumamit ng leave-on conditioner kapag magbibilad sa beach o magsu-swimming. Sa ganitong paraan protektado ang iyong buhok from dryness.
Ang paulit-ulit na pagkukulot at pagpaplantsa ng buhok ay maaaring mauwi sa dry hair. Gayundin ang laging pagpapakulay ng buhok. Iwasan ito. Bigyan ang buhok ng sapat na panahon upang makapahinga.
Kumain nang tama. Karaniwan sa mga kakulangan ng katawan sa mga bitamina o mineral ay nakikita muna sa buhok, bago pa man ito ma-detect ng doctor. Halimbawa na lamang ang paglalagas ng buhok kapag anemic. Ang vitamin B complex ay mabuti para sa kalusugan ng buhok.
Iwasan ang hair products na may alcohol content sapagkat natutuyot ang buhok. Iwasan din ang paglalagay ng mga nasabing produkto na direkta sa anit sapagkat magbabara ito sa pores.
Treat yourself to the salon. Iba pa rin ang may professional pampering ang buhok. Hair treatment na may kasamang massage.
* * *
Salamat kay Tito Ness, Ed, Joy at Mayumi ng Ness Astilla Salon Shaw Blvd.
- Latest



















