^

Punto Mo

10 Istorya ng ‘True Love’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

7. Ang First Kiss ni Sleeping Beauty

PALIBHASA ay mestisahin, si Natalia ang pinili ng kanyang titser na gumanap na bidang prinsesa sa grade 5 school play na Sleeping Beauty. Ang napili namang prinsipe ay si Butch. Medyo na-excite si Natalia dahil matagal na niyang crush si Butch. Magkaklase sila ni Butch since grade one. At crush niya ito simula pa lang noong grade one sila. Hindi pa niya nakikilala ang salitang crush pero crush na niya ito. Kamukha siya ni Reikko Mateo, ang gumanap na  Honesto sa teleserye ng ABS-CBN.

Noong nagpapraktis pa lang sila, may bilin ang titser kay Butch doon sa parteng hahalikan niya si Natalia: Tutungo ka lang at ilalapit ang mukha sa mukha ni Natalia para ang ma­ging dating sa manonood ay hinalikan mo ang prinsesa. Ngunit iba ang naganap sa actual play: Ang pilyong si Butch, totoong ni-lips to lips si Natalia!

Hindi na naipagpatuloy ni Butch ang pag-aaral sa school nila dahil pinetisyon na silang mag-aama ng inang nurse sa USA. Lungkot na lungkot si Natalia. Ang tanging naiwan ni Butch ay ang matamis na alaala ng halik nito sa kanya. May mga sandaling hinihimas ni Natalia ang lips niya. Pumipikit siya at paulit-ulit na nire-replay sa isip ang eksenang nagdikit ang labi nila ni Butch.

University of Santo Tomas, main library, 1980. May che­mistry book na kailangan si Natalia pero wala sa shelf. Iisang kopya lang iyon kaya nagtanong siya sa librarian. Naka-out daw at sa araw na iyon nakatakdang isauli.

“In demand ang book na ’yan kaya tip ko sa iyo, maghintay-hintay ka nga­yong hapon. Baka isauli bago magsara ang library.”

Tumambay siya malapit sa desk ng librarian para susutsutan lang siya nito kapag dumating na ang chemistry book. Tutal tapos na ang klase niya. Nag-dilang anghel ang librarian dahil maya-maya lang ay sinenyasan siyang naroon na ang book. Lalaki ang nanghiram. Tumabi siya dito. Ngumiti ang librarian sa kanilang dalawa.

“Siya ang susunod na manghihiram ng book na isasauli mo,” tila nagpapaliwanag ang librarian sa lalaki dahil parang nakaguhit sa mukha nito ang pagtataka nang tumabi sa kanya si Natalia. Nasulyapan ni Natalia ang pangalan ng lalaki sa library card – Hector Dimaguila Jr. Tinitigan niya ang mata ng lalaki! Walang duda… ito ang magandang mata ng lalaking lumasap ng kanyang virgin lips!

“Butch?”

“Yes, you are…?”

“Natalia… remember, grade 5 school play,  Sleeping Beauty. San Gabriel Central School.”

Niyakap siya ni Butch, na ginantihan din ng yakap ni Natalia. Para silang dating mag-syota na nagkahiwalay tapos nagkita muli. Nagtataka na medyo natutuwa naman ang librarian sa naging eksena ng dalawa.

Bukas, September 25, ipagdiriwang nila ang kanilang 26th Wedding Anniversary.

vuukle comment

ANG FIRST KISS

BUTCH

HECTOR DIMAGUILA JR. TINITIGAN

NATALIA

NIYA

REIKKO MATEO

SIYA

SLEEPING BEAUTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with