^

Punto Mo

Bakit wala pang bakuna sa sipon?

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

KAPAG kinapitan tayo ng sipon, madalas ay binabalewala natin ito. Sipon lang. Ganyan ang madalas nating marinig mula sa mga kakilala. Isang sakit na hindi delikado, malayong makamatay. Pero nalilimutan nating dahil sa sipon na ’yan, ilang ulit tayong hindi nakapasok sa eskuwelahan o trabaho, o hindi natuloy ang mga takdang biyahe at iba pang aktibidad.

Ang mga adults na gaya natin ay posibleng magkaroon ng sipon ng 2 hanggang 4 na beses sa isang taon. Ang mga bata naman, 6 hanggang 8 beses sa isang taon. In short, bahagi na yata ng ating buhay ang pagkakaroon ng sipon.

Masyado na tayong pamilyar sa mga sintoma ng sipon. Sa una, may pakiramdam tayo na hindi maganda. “Parang sisi­punin.” Ganyan­ ang madalas nating marinig. Nakakaramdam tayo na parang giniginaw o nilalamig. Chilling sensation, sabi nga. Ma­aaring ito ang dahilan kung bakit “colds” ang tawag natin sa sipon. At kung bakit naa-associate natin ang pagkaka-sipon sa malamig na panahon.

Hinahatsing, tumutulo ang malabnaw na likido mula sa ilong, makati ang lalamunan, nauubo, may konting lagnat, medyo nana­nakit ang mga kalamnan. Heto ang karaniwang sintoma ng sipon. Sa unang araw ay mas mapapansin ang paghatsing-hatsing at may tumutulong malabnaw na sipon. Mas tumitindi ito sa ikalawa o ikatlong araw. Minsa’y may kaakibat itong ubo at pamamalat. Yung iba, parang may nararamdamang pressure sa ilong at mga sinuses. Hindi katagalan at mapapansin natin ang kakaibang timbre ng boses ng isang sinisipon: parang ngongo. “Nasal voice” ang tawag natin dito at ito’y dulot ng pamamaga ng vocal cords.

Bakit wala pang bakuna laban sa sipon gayong virus naman ang mikrobyong nagdudulot nito? Ito ay sapagkat meron tayong higit dalawang daang varieties ng mikrobyong virus na nagdadala ng sipon. Kung maging immune man tayo sa isang klase ng colds virus matapos tayong dapuan nito, may natitira pang 199 uri ng virus na puwedeng magdulot ng sipon. Hindi naman natin gugustuhing magpabakuna laban sa higit 200 varieties ng virus na nagdudulot ng sipon, di ba?

Ang higit na nakakarami sa mga cold viruses na ito ay ang “rhinovirus.” Kung sinisipon tayong kasalukuyan, mas malamang na dulot ito ng “rhinovirus.” Puwede nating sabihin sa ating mga kakilala na “sinisipon ako ngayon dahil nakapasok ang mga rhino­virus na iyan!” Ang pangalawang sanhi ng sipon ay ang mikrobyong “coronavirus.”

Ngayong nagsimula na ang klase, napakarami na naman ng sinisipon. Gustung-gusto ng rhinovirus ang ganitong panahon sapagkat malaki ang tsansang maikalat niya ito sa mga batang nakaipon sa isang classroom.

BAKIT

GANYAN

GUSTUNG

HETO

HINAHATSING

NATIN

SIPON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with