^

Punto Mo

Ang bet ko

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

MAGANDA ang naging pagtatapos sa akin ng Agosto, at ganundin ang pagpasok ng Setyembre. Bakit? Narito ang mga dahilan:

1. Nadiskubre ko na ang sikreto sa tamang pagmamanage ng timbang – ito ay lifestyle change. Sapat na pag-eehersisyo at tamang pagkain na bahagi ng iyong pamumuhay. Hindi lamang para pumayat kundi para maging malusog. Ayoko na ng weighing scale. Ang bet kong sukatan ngayon ng aking pagiging lean ay ang aking mga pantalon at ang caliper, na sumusukat ng body fat. Dahil maaaring ang timbang mo ay hindi nagbabago, tulad ko. 132 lbs pa rin ako matapos ang isang buwan ng exercise at diet pero ang body fat ko ay nag-drop mula 25% to 20%! 

2. Noong nakaraang linggo ay namalagi ako sa Northern Mindanao ng ilang araw para sa provincial finals ng Bet Ng Bayan, ang pinakabago, pinakamalaki at pinakaengrandeng talent competition ngayon sa bansa hatid ng GMA 7. Di tulad ng ibang talent contest, bet ko ang Bet Ng Bayan dahil tatlo ang categories at tatlo ang hinahanap - bet sa sayawan, bet sa kantahan at bet sa kakaibang talento. Dahil dito pantay-pantay ang labanan, hindi ba?

Una naming tinungo ang Iligan at Cagayan de Oro na naglaban para sa kinatawan ng Northern Mindanao na makikipaglaban sa mananalo sa Southern Mindanao ngayong linggong ito mula sa rehiyon ng Davao. Kung sino ang mananalo ang magiging representative ng kalakhang Mindanao na lilipad sa Maynila para sa grand finals sa darating na Oktubre. Ganoon din ang mechanics para sa Luzon at Mindanao. Kaya kayo riyan sa mga probinsiya, hikayatin niyo na ang inyong mga kakilalang may angking husay at galing na sumali. Malay ninyo sa bayan ninyo manggaling ang pinakaunang bet ng buong bayan!

3. Noong Huwebes ay pinagpala kaming mag-ina na i-launch bilang pinakaunang endorser ng Indomie Mi Goreng Noodles, isang  brand ng fried noodles na sikat sa Indonesia at Australia. Ito ang bagong bet ko dahil hindi lasang instant. Puwedeng ipanghanda at hindi mo mamamalayang sa pakete galing. Bet na bet!

vuukle comment

AGOSTO

AYOKO

BET

BET NG BAYAN

DAHIL

INDOMIE MI GORENG NOODLES

MINDANAO

NOONG HUWEBES

NORTHERN MINDANAO

SOUTHERN MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with