^

Punto Mo

100 Amazing Secrets (2)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

11. Paraan upang madaling matuklap ang balat ng nilagang itlog: Habang kumukulo ang tubig na may itlog, buksan ang takip­ ng kaldero ng ilang minuto, tapos takpan ulit hanggang sa ma­luto. Dahil sa pressure, luluwag ang balat sa pagkakadikit sa itlog.

12. Paano tanggalin ang gasgas sa  plastic na relo? Basain  ng acetone ang bulak. Ito ang ikuskos sa “face” ng relo.

13. Lagyan ng mabangong sabon ang loob ng maleta  bago itago upang hindi magkaroon ng amoy-amag.

14. Gumawa ng sariling pin cushion. Ang ipalaman sa cloth bag ay steel wool para pagtusok ng aspile at karayom, para mo na rin itong inihahasa. Pantanggal din ito ng kalawang sa aspile at karayom.

15. Paano pangalagaan ang leather upholstery? Kuskusin ito ng skim milk na tinunaw sa tubig tuwing ikatlong buwan.

16. Paano mapapanatiling fresh ang strawberries? Ilagay kaagad sa refrigerator. Huhugasan lang ito kapag kakainin o gagamitin sa pagluluto.

17. Paano magiging fluffy ang egg omelette?  Sa bawat 4 na itlog, haluan ito ng isang kutsaritang corn starch. Idadagdag ang cornstarch habang binabati.

18. Magtatagal ang walis tambo kung ibababad muna ito magdamag sa tubig na kinuha sa dagat o tubig mula sa gripo na hinaluan ng maraming asin.

19. Matatanggal ang amoy ng fresh paint kung maglalagay ng isang timbang malamig na tubig sa kuwarto at papalitan ito tuwing ika-dalawang oras.

20. Paano paghihiwalayin ang dalawang baso na magka­patong? Maglagay ng cold water sa basong nasa ibabaw. Tapos ilubog sa maligamgam na tubig ang basong na nasa ilalim. Kusa itong maghihiwalay nang hindi mababasag.

 

vuukle comment

BASAIN

DAHIL

GUMAWA

HABANG

HUHUGASAN

IDADAGDAG

ILAGAY

PAANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with