^

Punto Mo

Col. Bantolo, pera o promotion?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

BAKA maunsiyami pa ang promotion sa pagka-heneral ni Sr. Supt. Allen Bantolo kapag hindi niya napigilan ang pag-iikot ng mga pulis na sina Jojo Cruz alyas Pandak at Rod Malaya sa mga pasugalan sa Metro Manila. Ipinangalandakan kasi nina Pandak at Malaya na may basbas ni Bantolo, ang chief of directorial staff ng NCRPO, ang pag-oorbit nila sa pasugalan sa kalakhang Maynila. Sa pagkaalam ng mga kosa ko, si Bantolo ay kasama sa 13 PNP officers na inirekomenda ng Napolcom na ma-promote sa susunod na rank. Ang papeles nina Bantolo at mga kasamahan ay nasa Palasyo na at ‘ika nga, ilang tulog na lang ay heneral na si Bantolo & Co. Subalit kapag nakarating kay President Aquino ang pag-iikot nina Pandak at Malaya gamit ang pangalan ni Bantolo, baka ma-ekisan ang pangalan niya. Ang pag-iikot sa pasugalan kasi nina Pandak at Malaya ay hindi angkop sa “daang matuwid’ na slogan ni P-Noy, di ba mga kosa? Kaya walang ibang dapat sisihin si Bantolo kapag hinarang ng Palasyo ang kanyang promotion kundi ang sarili niya dahil nakisawsaw siya sa pitsa? T’yak ‘yun!

Mukhang hindi kuntento si Bantolo sa weekly parating mula sa illegal gambling at nais na abo’t langit ang makubra nya. Ipinamalita kasi nina Pandak at Malaya na nag-bid sila sa weekly take ng NCRPO at magiging P1 milyon na ang lilikumin nilang pitsa. Siyempre, kapag umangat ang lingguhang intelihensiya ng NCRPO, ang magigisang pangalan ay hindi lang ang kay Bantolo, na amo nina Pandak at Malaya, kundi maging ang kay Dir. Carmelo Valmoria, di ba mga kosa? Teka nga pala! Ang ibig bang sabihin nitong pag-iikot nina Pandak at Malaya ay hindi na sinusunod ni Valmoria ang “no take” policy ni DILG Sec. Mar Roxas? Kung sabagay, ang NCRPO na lang ang sumusunod sa “no take” ni Roxas subalit nawala pa dahil sa pitsa, di ba Col. Bantolo Sir? Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan!

Halos tatlong linggo na palang na-relieve sa puwesto si Sr. Supt. Benjamin Acorda bilang hepe ng NCRPO intelligence. Ang pumalit sa kanya sa acting capacity ay si Bantolo. Sa pagkakilala ko kay Bantolo mga kosa, isa siyang magaling na intelligence officer. Kaya lang bakit hindi ang “Martilyo gang” na bumanat sa Mall of Asia (MOA) ang asikasuhin niya imbes na ang illegal gambling? Mismo! Pitsa muna bago trabaho, ganun ba ‘yun, Col. Bantolo Sir? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa pag-upo ni Valmoria, sina Pandak at Malaya rin ang ginamit na tong collector. Nasalisihan sila ni SPO1 Jose “Jun” Bernardino Jr., na sagradong bata naman ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima. Magsawalangkibo na lang kaya si Jun B. sa pagsibak sa kanya ni Bantolo? At sa pagbalik nina Pandak at Malaya, tiyak ang unang maaapektuhan ay ang video karera operator ng Malabon na si Buboy Go. May namumuong away kasi sina Malaya at Go at imo-monitor ko mga kosa kung sino ang uurong. Habang patuloy na nag-iikot sina Pandak at Malaya, mukhang si Bantolo lang ang masaya sa NCRPO. Pera ba o kahon...este promotion Col. Bantolo, Sir? Abangan!

vuukle comment

ALAN PURISIMA

BANTOLO

BANTOLO SIR

LANG

MALAYA

NINA

PANDAK

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with