^

Punto Mo

Bagong modus!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Patindi nang patindi ang ginagawang mga modus at pag-atake ng mga kawatan.

Kung napanood ninyo kamakailan sa  telebisyon ang aktong nakunan ng CCTV  ang ginawang pagkuha ng dalawang suspect na de-sasakyan pa sa mga gamit ng mga kostumer sa isang establisimento sa Maynila.

Matindi ha, basta lumapit ang mga suspect na nakapayong pa sa lugar na kinauupuan ng mga biktima at saka kinuha ang bag na nakalapag sa isang silya.

Harapan at pagkatapos ay agad na bumalik sa sasakyan at saka nagsitakas.

Walang kahirap-hirap ang bagong modus na ito. Hindi naman nakapalag ang mga biktima na nakuhanan ng mahahalagang gamit dahil na rin sa matinding takot.

Hindi nga nakasumbrero, nakapayong naman kaya hindi nakita sa CCTV ang mga mukha ng suspect.

Aba’y nagbabagu-bago ng modus ang mga kawatan ngayon, nag-iiba rin ng mga props na gamit nila sa pangungulimbat.

Baka dapat na magbago na rin ng estratihiya ang pulisya para matumbok at masawata ang mga ito.

Eto ha, at dahil matagumpay na naman nilang naisagawa ang bago nilang modus, malamang titira uli ang mga ito. Mga establisimento ang ginagawa ngayong target at maging ang mga kostumer dito.

Malaking bagay ang nagagawa ng CCTV na siyang nagbabantay at nagiging mata laban sa mga kawatan. Yun nga lang, pero madalas nakapagtatago ng mukha ang mga kriminal lalu’t alam nila na maaari silang makunan.

Kaya malaking bagay pa rin ang nakakalat na mga awtoridad na maaaring makapigil sa kanilang pagsalakay.

Mas magandang mapigilan o ma-preempt na agad sila sa operasyon.

vuukle comment

ETO

HARAPAN

KAYA

MALAKING

MATINDI

MAYNILA

RIN

WALANG

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with