^

Punto Mo

Umiinog ang daigdig

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Habang umiinog itong ating mundo

Umiinog na rin ang utak ng tao;

Kaiba nga lamang ang pag-ikot nito

Sa halip pataas ay pababa ito!

 

At bakit nga hindi ating nakikita

Mataas na moral ngayo’y mababa na;

Ugali ng taong magalang maganda

Ay wala na ngayon saanman mapunta!

 

Isang halimbawa’y sa ngalang pag-ibig

Babae’t lalaki’y iba na ang nais;

Nagmamahal sila sa kahit na pangit –

Dahil sa mayama’y inaaring langit!

 

Sa mga tahanan itong kabataan

Sa mga magulang wala nang paggalang;

Sa halip katulong sa gawaing bahay

Lahat ay may bisyo at nasa lansangan!

vuukle comment

DAHIL

HABANG

ISANG

KAIBA

LAHAT

MATAAS

NAGMAMAHAL

UMIINOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with