^

Punto Mo

CCTV iobliga maging sa tanggapan ng gobyerno

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

SA dami ng mga krimeng nagaganap sa mga lansangan at sa iba’ ibang dako sa kasalukuyan, malaking bagay na na­giging mata sa mga pangyayari ay ang nakakabit na mga CCTV.

Ilang krimen na nga ba ang masasabing nalutas o kung hindi man ay tumukoy sa mga suspects sa mga naganap na pangyayari ay dahil sa kuha ng CCTV.

Sa ilang pamahalaang lungsod sa Metro Manila ay may naipasa nang mga batas na nag- oobliga sa mga establisimento sa pagkakabit ng CCTV.

Isa ito sa requirements na kanilang tinitingnan sa pag-a-apply ng permit sa mga city hall. Isa nga rito ang pamahalaang lungsod ng Parañaque na ngayon nga ay may ipapatupad ng ordinansa ukol sa CCTV.

Hindi lamang sa mga establisimento nila ito nire-require kundi maging sa mga subdivision, villages at maging sa mga paaralan.

Sa Quezon City ay isinasagawa na rin ang ganito sa layuning makatulong sa  mga posibleng imbestigasyon ng pulisya.

Ilang suspects na nga ba sa  mga naganap na krimen hindi lamang sa mga lansangan maging sa loob ng mga establishment  o mismong sa loob ng mga bahay ang kumilala o tumukoy sa mga suspects na naging daan sa kanilang pagkaaresto o di kaya ay pagkalutas ng kaso.

Kung ang maliliit na establisimento ay nagagawang magpakabit ng ganitong uri ng gadgets na may malaking pakinabangan, dapat ay iobliga na rin ang ganito sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Lalo na siguro sa masasabing mga sensitibong tanggapan, hindi man mga krimen ang mabantayan kundi ang mga kalakaran partikular ang red tape at mga korupsyon o lagayan.

Kung tatadtarin ng CCTV ang mga tanggapang ito, pwede itong maging bantay para mapabuti ang pagbibigay serbisyo sa mga tanggapan.

Nakakalunglot  isipin na sa labas mismo ng ating international airport eh walang nakakabit na CCTV. Hindi nga ba’t ng may naganap na ambush dito kamakailan at doon lamang natuklasang walang CCTV na naka­kabit sa may labas na compound pa rin ng paliparan.

Kung nagagawa ito maging ng maliliit na establisimento na maging ang isang lugawan sa kanto eh meron nito,  bakit hindi ito magawa sa ma­raming tanggapan ng gobyerno o baka naman sadyang ayaw maglagay, baka may itinatago?
Nagtatanong lang po?

vuukle comment

CCTV

ILANG

ISA

MAGING

METRO MANILA

SA QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with