^

Punto Mo

100 Tips: Life, People & Happiness (Round 2)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

31. Huwag magbukas ng Facebook kung ikaw ay depressed. Kapag nakita mo sa Facebook kung gaano kasaya ang iyong mga “friends”, lalo ka lang malulungkot.

32. Kung sumakit ang paa sa maghapong paglalakad, makakatulong ang pagpatong ng legs sa unan habang natutulog.

33. Huwag kang magtitiwala sa taong ilang oras o araw ang bibilangin bago mag-text back sa iyo pero kapag nagkita kayo, makikita mong lagi naman niyang hawak ang kanyang cell phone.

34. Ang paghalo ng kaunting 7-UP sa tubig ng flower vase ay nakakatulong para mapreserba nang mas matagal ang sariwang bulaklak.

35. Ang avocado ay nagtataglay ng chemical na nagpapa­bagal ng pagtanda.

36. Mag-isip na mabuti bago gumamit ng birth control pills. Nakakabawas ito ng sex drive.

37. Kapag nasa bar, lagi kayong tumingin sa sahig. Kadalasan, nalalaglag ang pera ng lasing mula sa kanyang bulsa o wallet.

38. Balutan ng plastic wrap ang tangkay ng saging para hindi kaagad ito mabulok.

39. Hindi makatulog? Ikisap mo nang mabilis ang iyong mata hanggang sa mapagod. Ang epekto ay aantukin ka hanggang makatulog.

40. Huwag magwiwisik ng Calvin Klein Obsession scent kung pupunta ka sa gubat ng Africa. Naakit sa amoy nito ang tigre, jaguar at cheetah.

vuukle comment

BALUTAN

CALVIN KLEIN OBSESSION

FACEBOOK

HUWAG

IKISAP

KADALASAN

KAPAG

NAAKIT

NAKAKABAWAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with