^

Punto Mo

For Rent…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Bridesmaids-for-hire service.

Ang negosyong ito ay itinayo ng isang babae mula sa China. Ang pinipili niyang “bridesmaids” ay mga university student dahil sila ang kadalasang maayos ang hitsura; ismarte, magagalang at laging nangangailangan ng pera.

Rent-a-pilgrim.

May mga Katoliko sa Portugal na humihiling ng grasya sa Our Lady of  Fatima. Upang matupad, kailangang maglakad sila mula sa kanilang bahay patungo sa shrine ng Fatima sa central Portugal. Pagkatapos nito ay muli silang maglalakad pauwi.

May mga taong walang kapasidad na maglakad ng malayo dahil sa kalusugan o anupamang mabigat na kadahilanan kaya nagha-hire sila ng taong magsasakripisyong maglakad para sa kanila patungo sa shrine ng Fatima. Feeling nila, ang perang ibinayad nila sa taong kakatawan sa kanila ay katumbas na rin ng kanilang pagsasakripisyo.

Ang lalaking nagpapabayad para maging pilgrim ay isang Portuguese computer programmer na nagpapabayad ng 2,500 dollars para sa 100 miles na paglalakad. Bilang pruweba na totoo siyang naglalakad at hindi sumasakay ay humihingi siya ng certification na may nakadikit na stamp sa bawat pinuno ng bayang kanyang nadadaanan patungo sa shrine.

Rent-a-friend.

Sa US naman matatagpuan ang negosyong ito.  Kadalasang kliyente ng rentafriend.com ay mga lola na walang makasama sa pamamasyal at panonood ng sine; mga bored wife; at mga mahiyaing tao na may gustong puntahan pero walang makasama. Ang bayad ay $20 to $50 per hour.             (Itutuloy)

 

vuukle comment

BILANG

FATIMA

ITUTULOY

KADALASANG

KATOLIKO

OUR LADY

PAGKATAPOS

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with