^

Punto Mo

Lampong (474)

Ronnie M. Halos - The Freeman

“K ASI Pareng Dick, mga lalaking itik ang isinailalim ko sa research at doon ako nagka-ideya kaya ko pina­ngalanan ang produkto na PENISITIK. Sabi ko sa pharmaceutical company kahit anong uri ng itik ay puwedeng pagkunan ng mahiwagang gamot para sa ED. Di ba pare-pareho lang na mga itik ’yan. Yung mga kinuha kong itik dito noon sa’yo ay una kong naging sample sa pharma. At nang testingin ang mga itik, nakita nga ang pambihirang gamot na lunas para sa mga hindi tinitigasan.’’

“Ano ngayon ang problema mo, Rey?”

“Iyon nga Pareng Dick, nawalan ng bisa ayon sa pharma company. Marami raw ang nagrereklamo at nagra-rally sa harap ng pharma company. Peke raw ang gamot na PENISITIK dahil walang epekto. At pinaghahanap na nga ako ng kompanya. Kailangan daw ipaliwanag ko kung bakit nagkaganoon ang gamot na inimbento ko. Kung hindi ay ibalik ko na lang daw ang perang binayad sa akin.’’

“E di ibalik mo na lang ang pera. Magkano ba ang bayad sa PENISITIK?’’

“P100 million.’’

Shock si Dick. Higit pa pala sa tumama sa lotto si Rey.

“Ibalik mo na lang ang P100 million. Kaysa ma­kulong ka.”

“Pareng Dick, ubos na ang pera. Naubos ko na sa casino.’’

Shock uli si Dick. Mil­yones, inubos lang sa casino.

“O e di ipagbili mo ang mga ari-arian mo --- bahay, kotse at mga gamit…”

“Wala na akong bahay at kotse, Pareng Dick. Naibenta ko na lahat dahil nalulong ako sa sugal. Ang masaklap nilayasan na ako ng asawa ko. Nag-iisa na lang ako.’’

Bahagyang naawa si Dick.

“Pero makakabawi ako, Pareng Dick. Basta ma­laman ko lang kung ano ang tinutuka ng mga itik at tiyak na magkakabisa ang PENISITIK. Maibabalik ko ang yaman at ka­tanyagan…’’

Nakatingin lang si Dick.

“Kaya Pareng Dick, naki­kiusap ako, ano ba ang kinakain ng mga itik kaya nagkakaroon nang ma­hiwagang gamot.’’

Hindi nagsalita si Dick.

“Parang awa mo na Pareng Dick, sabihin mo na ang tinutuka ng mga itik!”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

DICK

ITIK

KAYA PARENG DICK

LANG

PARENG

PARENG DICK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with