^

Punto Mo

‘Multo’ ng bata nakita sa bintana

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pilipino Star Ngayon

DALAWAMPUNG taon nang naninirahan sina Lu Ann Sicuro sa kanilang bahay sa Ravenna, Ohio. At sa loob ng panahong iyon, iba’t ibang kababalaghan o paranormal phenomena ang naranasan nila.

Ayon kay Lu Ann, may naririnig sila misyteryosong boses, hindi maipaliwanag na ingay na nanggagaling sa closet at ang madalas na pagpihit sa doorknobs. Subalit hindi nila pinapansin ang mga iyon. Balewala na sa kanila. Nakasanayan na nila ang mga naririnig na iyon sa bahay na napamahal na sa kanila.

Subalit ang lubos na nakapagpanindig ng ba­lahibo sa kanila ay ang retrato na kinuha ng kanyang anak ilang taon na ang nakararaan. Nakita sa retrato ang mukha ng isang batang babae na nasa may bintana.

Ayon kay Lu Ann, ito ang patunay na talagang may multo sa kanilang bahay. Wala raw silang kasamang bata sa bahay. Nagpapatotoo rin ito sa kanilang mga naririnig sa bahay.

vuukle comment

AYON

BALEWALA

LU ANN

LU ANN SICURO

NAGPAPATOTOO

NAKASANAYAN

NAKITA

RAVENNA

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with