^

Punto Mo

Lampong (407)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PERO sabi ni Sir Dick ay one fourth lang ang kukunin n’yo. Tumawag siya sa akin noong isang araw,” sabi ni Mulong sa harap ni Mr. Chan habang nakatingin ang dalawang bodyguards nito.

“Ang hina mo namang makaintindi. Narito nga sa kasulatan na pinapayagan ako na ang magmay-ari ng itikan. Eto o basahin mo.”

“Teka at tatawagan ko muna si Sir Dick.”

“O sige, tawagan mo,” sabi ni Mr. Chan at sini­mulang inspeksiyunin ang mga kinaroroonan ng mga dumalagang itik. Tuwang-tuwa ito nang makita ang napakaraming itik.

Tinawagan ni Mulong si Dick. Pero out of coverage area raw ang number ni Dick. Pinagpapawisan na si Mulong. Makaraan ang ilang minuto ay tinawagan muli niya. Ganoon pa rin. Bakit kung kailan niya kailangang-kailangan ay saka tila nagdadamot ang pagkakataon.  Kung si Mam Jinky naman ang tatawagan niya ay baka lalong magkaroon nang hindi magandang bunga. Baka siya pa ang masisi sa dakong huli. Mas mabuti kung sundin na lang niya ang utos ni Sir Dick.

Nakita niya ang paglapit ni Mr. Chan at dalawang bodyguards. Sa tingin ni Mulong ay may mga baril na dala ang mga bodyguard. Parang mga hoodlum ang dalawa.

“O ano, natawagan mo na ba si Dick? Nagmamadali kami. Kukuha lang kami nang may isang libong dumalaga at aalis na kami.”

“Teka, e busy pa ang phone.”

“Ginagalit mo ba ako. May papeles na nga e.”

Lumapit na si Tina. Takot na may sinabi kay Mulong.

“Hayaan mo na Mulong. Basta sundin mo kung ano ang sinabi ni Sir Dick. Baka kung ano ang mangyari sa atin kapag tumanggi ka.”

Napatingin si Mulong kay Mr. Chan. Gusto niyang bigwasan si Mr. Chan at bahala na kung ano ang mangyari. Kaya naman niyang upakan ang dalawang bodyguards. Pero sinunod niya si Tina.

“O ano, kukuha na kami ng mga dumalaga. Malinaw ang kasulatan, ha-ha-ha!” Sabi ni Mr. Chan.

Hindi nagsalita si Mulong. Hinayaan na niya.

“Sige, humuli na kayo ng mga dumalaga. Ilagay doon sa mga cage. Isang libo lang muna at bukas ay babalik uli tayo. Kailangan makapag-deliber tayo sa Ongpin…’’

Humuli ng mga duma­laga ang dalawang tauhan.

Nakatingin lang si Mulong at Tina pati ang mga trabahador.

NANG mga sandaling iyon ay iniinspeksiyon ni Dick ang maraming capsules na galing kay Mr. Chan. Gusto niyang malaman ang ingredients ng capsules.

(Itutuloy)

vuukle comment

CHAN

DICK

MAM JINKY

MR. CHAN

MULONG

NIYA

SIR DICK

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with