^

Punto Mo

Lampong (388)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

WALANG lasa ang berdeng capsule na ininom ni Dick. Parang uminom siya ng gamot sa ubo.

‘‘Walang lasa,’’ sabi niya.

‘‘Wala talagang lasa yan. Pero ang epekto, matindi, ha-ha-ha!’’

“Wala bang side effects ito?’’

“Wala. Ang tagal ko na ngang gumagamit n’yan. Ting­nan mo naman ang katawan ko.’’

“Baka nakakakalbo ito. Yang buhok mo, malago pa nung huling magkita pero nga-yon parang airport na.’’

Natameme si Mr. Chan pero mabilis ding nakasagot.

“Nasa lahi namin ito. Talagang mga kalbuhin kami.’’

Napatango na lang si Dick. Baka nga totoong epektibo ang capsule na ininom niya. Kapag hindi na lumungayngay si batutoy saka siya maniniwala. Pero ngayon, hindi pa. Baka pangkaraniwan lang na capsule ang hawak ni Mr. Chan. Maraming gawang China ang dispalinghado.

“Mamaya lang, maghaha­nap ka na ng monay, Dick, ha-ha-ha!’’

Sabagay lagi naman siyang nag­ hahanap ng tsik. Ang problema sa kanya ay yung pag­lungayngay sa gitna ng laban. Iyon ang dapat magamot. Ang pagkagusto niya sa mga anak ni Eba ay walang pagbabago.

“Gusto mo ikuha kita ng isang tsik. Bagay sa’yo yung mabibilog ang puwit. Ipakuha kita, Dick? Para masubukan ang husay ng green capsule.’’

“Mamaya na, Mr. Chan.’’

“Sige bahala ka.’’

“Ang pag-usapan natin ay ang bayad sa green capsule. Magkano ba isang capsule?’’

“Saka na tayo mag-usap tungkol sa bayad. Kapag napatunayan mo nang epektib ang green capsule saka natin pag-usapan ang fee. Kayang-kaya mo naman. Tsiken lang sa’yo, ha-ha-ha!’’

“Pero hindi ko ipagbibili ang itikan ko ha? Sa misis ko kasi ang itikan at ako lang ang CEO. Mahirap mag-commit sa hindi mo ari.’’

“E pag-aari mo na rin ang itikan di ba? Mag-asawa na kayo kaya ang sa kanya ay sa iyo na rin.’’

“Hindi nakuha niya nung dalaga pa siya yun.’’

‘‘Sige, basta saka na lang tayo mag-usap tungkol sa ba-yad. Ang pagtuunan mo nga-yon ay kung solb na ang problema mo kay batutoy.’’

Hindi na sumagot si Dick.

“O gusto mo nang kumuha ng tsik?’’

Nag-isip si Dick.

“Mahal ba rito ang tsik?’’

“Akong bahala sa tsik, Dick, ha-ha-ha!’’

“Hindi ako na. Ako na rin ang pipili ng tsik. Kasi’y baka na naman pumalpak e itsismis ako sa iyo ng tsik.’’

Nagtawa na naman si Mr. Chan.

“Sigurado ako na ang itsis­tsismis ng tsik sa akin ay ang hindi mapigilang pagtigas ni batutoy, ha-ha-ha!”

(Itutuloy)

vuukle comment

CAPSULE

DICK

KAPAG

MAMAYA

MR. CHAN

PERO

TSIK

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with