^

Punto Mo

Lampong (383)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

N ANG malayu-layo na si Jinky sa gate ay tinawag siya ni Patrick. Lumingon at tumigil si Jinky.

‘‘Bakit, Patrick?’’

‘‘A e ano, may asawa ka na ba Jinky?’’

Napangiti si Jinky.

“Wala pa. Nasa itsura ko ba?’’ sabi niya. Hindi niya alam kung bakit nasabi iyon. Gusto lang niyang magbiro. Wala lang siyang magawa, ha-ha-ha!

“Sabi ko na nga ba e. Ang ganda mo kasi, Jinky.’’

Nagtawa lang si Jinky.

Umalis na siya. Pero alam niya, nakatingin pa rin si Patrick sa kanya kahit papalayo na siya. Humahanga sa kanya si Patrick. Nasiseksihan sa kanya, ha-ha-ha!

Nagulat naman si Tina nang makita si Jinky.

‘‘Umalis ka ba, Mam Jinky?’’ tanong nito.

“Oo. Nagtungo uli ako sa kaibigan ko sa Socorro,’’ pagsisinungaling niya.

‘‘Hindi kita nakita nang umalis.’’

“Maaga ako kanina. Kasi aalis na patungong Maynila ang kaibigan ko.’’

‘‘A kaya pala. E kumain ka na ba Mam Jinky?’’

“Hindi pa. Mamaya na lang ako kakain.’’

Nagtungo si Jinky sa silid. Nagpalit ng damit. Isang manipis na damit ang isinuot. Nahiga siya.

Habang nakahiga ay na­alala si Patrick. Hangang-hanga sa kanya. Kanina, ay parang gusto pa siyang pigilan sa pag-alis. Ha-ha-ha. Tinanong pa kung may asawa na siya. May balak pa yata si Patrick. Ha-ha-ha!

Habang iniisip si Patrick ay kung bakit nakalimutan naman niyang itanong kung ano ang pangalan ng ka­patid nito na may-ari ng beltbag. Bakit nalimutan niyang itanong kay Patrick?

Muli niyang inalala ang mukha ng kapatid ni Patrick na nahuli niyang naliligo. Magkahawig nga ang dalawa. Pero mukhang mas mabait si Patrick. Ano kaya at makipaglokohan siya kay Patrick? Tutal naman at sinabi niya rito na dalaga pa siya. Pakakagatin niya si Patrick. Subukan kaya niya, ha-ha-ha!

Tutal naman at tila wala nang pakialam sa kanya si Dick! Ngayon nga ay hindi na niya alam ang nangyayari habang nasa Maynila. Malay ba niya kung ano ang ginagawa ni Dick doon. Baka sa halip na negosyo ay mga babae ang inaatupag. At malay ba niya kung “kunwari” lang ang “paglungayngay” ng “ba­tutoy’’ nito para magkaroon ng dahilan na makapam­babae. Kilala rin naman niya si Dick na mahilig sa babae. Bago nito naging siyota ang kanyang auntie noon, ilang babae ang nakarelasyon nito. Noon ay ayaw ni Dick na magpakasal at ayaw ding magkaanak. Gusto nito ay sasawsaw lang nang sasawsaw. At siguro ay ganito ang ginagawa ni Dick habang nasa Maynila. Sawsaw lang ito nang sawsaw.

Kaya bakit ba siya mag­titiis. Magpasawsaw din kaya siya kay Patrick. Ha-ha-ha! Bata at sariwang-sariwa si Patrick. At siguro ay hindi lulungay­ngay, ha-ha-ha!

(Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

HABANG

JINKY

LANG

MAM JINKY

MAYNILA

NIYA

PATRICK

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with