^

Punto Mo

Faithful Husband

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

HINDI natanggihan ng mister ang pangungulit ng mga kaopisina na mag-inuman bilang padespedida sa officemate na magre-resign dahil sa abroad na titira. Palibhasa ay hindi sanay uminom ng ala-sunog baga, ang mister ay halos gumapang  sa hagdan ng bahay, sa sobrang kalasingan, nang ihatid ng mga kaopisina.

Bago maihatid ni Misis sa kanilang bedroom ang lasing na mister, ito ay tatlong beses nagsuka sa salas. Gigil na gigil si Misis pero pinipigilan niya ang sarili na magsalita. “Humanda ka bukas!” bulong ni Misis sa nakalungayngay na mister.

Kinabukasan, tanggal na ang pagkalasing ni Mister nang ito ay magising. Inihahanda na niya ang sarili sa galit ng kanyang misis. Siguradong maghapon siyang tatalakan nito at isang linggong  isusumbat ang perwisyong ginawa niya. Pero tahimik ang bahay. Wala si Misis. Umalis ito at nag-iwan lang ng maikling sulat: Good morning honey. Nasa supermarket lang ako. Ipagluluto kita ng steak na paborito mo. Napatunganga si Mister. Himala! Sobrang bait. Puwedeng maging kandidata sa pagiging santa.

Naroon ang kanilang binatilyong  anak kaya ito ang tinanong ng ama. “Anak, may naikuwento ba ang iyong ina na naging dahilan kung bakit hindi siya nagalit sa ginawa kong pagla­lasing kagabi? Kabisado mo ang sumpong ng iyong ina kapag umuwi ako nang lasing”.

Napangiti ang anak na binatilyo. Noong inihiga ka ni Mommy sa kama at sinimulang hubarin isa-isa ang iyong damit upang palitan ng damit-pantulog, bigla po ninyong sinigawan si Mommy ng ganito: Sino ka? Hindi kita kilala pero hinuhubaran mo ako. May gusto ka sa akin, ano? Huwag kang lalapit. Leave me alone! May asawa na ako!

vuukle comment

ANAK

GIGIL

HIMALA

HUMANDA

HUWAG

INIHAHANDA

IPAGLULUTO

KABISADO

MISIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with