^

Punto Mo

‘Breath analyzer’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

TUWING may proyektong ilulunsad ang mga ahensya ng gobyerno, laging “nakabantay” ang mga tiwali!

Ito ang katotohanang tumatak na rin sa isipan ng publiko dahil sa mga katiwaliang nabisto na nag-uugat sa canvassing at bidding ng isang gamit o aparato!

Matagal ng laman ng balita ang planong pagbili ng Land Transportation Office ng mga breath analyzer. Alinsunod ito sa Republic Act 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 na naglalayong mamBITAG ng mga motoristang nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot at alak.

Bunsod ito nang mataas na bilang ng mga aksidente sa lansangan partikular tuwing weekend.

Sa Amerika, matagal nang istriktong ipinatutupad ang batas laban sa mga indibidwal na “under the influence of drug and alcohol”. Katulong ang mga pulis, seryoso ang kanilang gobyerno sa kampanyang ito.

Sa Pilipinas, nakakasa na rin ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act.

Kung talagang sinsero ang gobyerno sa “matuwid na daan,” hindi nito hahayaang mauwi lang (na naman) sa mga substandard units ang bibilhing breath analyzer!

Kuwidaw! Paniguradong maglalabasan na naman kasi ang mga magkakakutsaba sa bidding para dayain ang presyuhan at nakawin ang pondo ng proyekto!

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5.  Pinoy US Cops – Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4. 

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected]. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

 

vuukle comment

BITAG LIVE

DRIVING ACT

KALAW HILLS

LAND TRANSPORTATION OFFICE

QUEZON CITY

REPUBLIC ACT

RIDE ALONG

SA AMERIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with