^

Punto Mo

Lampong (361)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KAKAHIYA! Iyon ang himutok ni Dick makaraang makalabas ng cubicle si Zen. Ang yabang pa naman niya kanina kay Zen. Hinamon pa niya ito na “linisin ang tubo” iyon naman pala ay wala siyang ibubuga. Siguro nagtatawa si Zen habang palabas ng cubicle. Wala siyang maihaharap na mukha kay Zen. Kakahiya.

Tumayo si Dick. Tumungo at pinagmasdan ang “alagang” nagpahiya sa kanya. Ayaw talagang lumaban. Lumulungayngay. Sa umpisa lamang matikas pero pag matagal na ay parang sa­sabunging manok na talunan at ayaw nang tumuka.

Nagbihis si Dick. Hindi na siguro siya babalik dito at susubukan kung puwede na ang alaga. Mahirap nang mapahiya muli.

Paano kung ikuwento ni Zen kay Mr. Chan ang nangyari sa kanila. Tiyak na itatanong ni Mr. Chan kay Zen kung ano ang nangyari sa “session” nila. At ma­aaring ipagtapat ni Zen na ayaw lumaban ang manok niya. Kakahiya talaga.

Nang lumabas sa cubicle ay hindi na tinapunan ni Dick ang mga dancer na nasa stage. Tuluy-tuloy siyang lumabas. Naidasal niya na sana ay hindi masalubong si Mr. Chan. Nakalabas siya na hindi nasalubong ang Tsinoy.

Nang makita ang isang taxi na nag-aabang sa harap ng Ms. Unibersidad ay agad niyang tinawag at sumakay. Nagpahatid siya sa inuupahang apartment. Natulog agad. Hapung-hapo siya. Parang bigumbigo siya.

Kinabukasan, inisip niya kung uuwi na ng probinsiya. Naisip niya si Jinky. Wala rin siyang mukhang ihaharap kay Jinky. Ipinasya niyang huwag na munang umuwi. Saka na lang.

SA probinsiya ng mga sandaling iyon ay abala naman si Mulong sa pagbabantay sa mga dumalaga. Sinisiguro niya na walang makalalabas sa mga ito at mapahiwalay sa karamihan.

Habang nagbabantay ay naiisip niya kung kailan darating  si Dick. Mahirap kung wala si Dick. Parang pilay ang itikan kapag wala ang bossing.

Kailan kaya uuwi si Dick. Parang may tampuhan ang mag-asawa? Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang may matanaw siyang tao sa may sapa. Nasa kabila nang makakapal na damo.

Mabilis na tinungo ni Mulong ang may sapa.

Hinahamon yata talaga siya ng hinayupak!

(Itutuloy)

vuukle comment

DICK

JINKY

KAKAHIYA

MAHIRAP

MR. CHAN

MS. UNIBERSIDAD

MULONG

NANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with