^

Punto Mo

Mag-asawa, 106 beses nang nagpapakasal

- Arnel Medina - Pang-masa

SINA David at Lauren Blair ng Hendersonville, Tennessee, US ay 30 taon nang nagsasama bilang mag-asawa pero 106 beses na silang nagpapakasal. Sa darating na Agosto 4, 2013 ay magpapakasal muli sila at pang-107 na!

Maraming mag-asawa ang nagpapakasal na muli para mag-renew ng vows. May mga nagpapakasal pagsapit ng 25 at 50-taong pagsasama at mayroon pang pagdating ng 60 taon o mahigit pa pero sina David at Lauren ay kakaiba sapagkat gusto nila magpakasal nang magpakasal. Dahil sa daming beses na pagpapakasal, napabilang sila sa Guinness Book of Worlds
Records. Sila ang world’s most married couple.

Ayon kay David ang original nilang goal ay magpakasal nang hanggang 100 beses pero sumobra pa nga roon at na-ging 106 beses na.

Nagkakilala at nagpakasal sina David at Lauren noong 1982 at mula noon napagkasunduan nila na laging magpapakasal. Alam daw nila na sila ay para sa isa’t isa kaya gusto nilang i-share ang vow experience.

Ngayon daw na naka­lampas na sila sa target na 100, magsisimula muli silang humanap ng target na dami ng pagpapakasal. Pagkatapos ng pagpapakasal sa Agosto 4 ay maaaring sundan kaagad iyon. Masaya raw silang mag-asawa sa pagsasama at lalo pang sumasaya sa sanda­ling ikinakasal.

 

vuukle comment

AGOSTO

ALAM

AYON

DAHIL

GUINNESS BOOK OF WORLDS

LAUREN

MARAMING

MASAYA

NAGKAKILALA

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with