^

Punto Mo

Ako’y nag-iisa

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Ako’y nag-iisa sa bagong tahanan

Upang malaman ko mga kasiraan;

Kung dito’y may mali mga kayarian

Dapat kong ireport bago malipatan!

 

Sa bahay na ito ang dapat lumipat

Pamilya ng bunso na may dalwang anak;

Bunso kong lalaki na may dalwang anak

Ga-graduate ng high school sa kolehiyong tanyag!

 

Balak ng pamilya ay saka umalis

Sa tirahang bahay sa malayong village;

Akong nakatira sa Mahogany Place

Kasamang lumipat ng mahal kong misis!

 

Sabaga’y okey lang ang nangyaring ito

Dahil nag-iisa at palaging solo;

Kapag nagrerelaks nagsusulat ako –

Nang lahat ng paksang isinatula ko!

vuukle comment

AKONG

BALAK

BUNSO

DAHIL

DAPAT

KAPAG

KASAMANG

MAHOGANY PLACE

NANG

PAMILYA

SABAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with