^

Punto Mo

‘Strip search’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI mawala-wala sa sistema at sirkulasyon ng mga putok sa buhong pulis ang panghuhulidap ng mga inosenteng grupo at indibidwal. Itinuturing itong kanser sa hanay ng kapulisan na hindi masugpu-sugpo dahil ang ilang kolokoy, magaling magtago ng krimen at magmanipula ng sitwasyon.

Nangyayari ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa pero kakaunting porsyento lamang ang naipapaabot sa media at sa pamunuan ng Philippine National Police. Ang masakit pa na katotohanan, mga hepe at mga namumuno pa sa isang istasyon ng pulis ang mismong utak at may pakana sa mga kawalang-hiyaan sa kanilang mga hurisdiksyon!

Nitong nakaraang taon, inimbestigahan ng BITAG ang isinagawang “Strip Search” sa isang pobreng buntis na lumapit sa aking tanggapan. Ayon kay “Anna” hinuli siya ng mga Pulis-Kyusi Presinto Dose, ilang minuto matapos dalawin ang nakakulong na asawa sa New Bilibid Prison.

Ang dahilan ng pag-aresto, hindi maipaliwanag ng mga gunggong! Basta inaresto daw siya sa kasong droga na kailanman ay hindi maalalang kinasangkutan ng biktima. Ilang beses nagmakaawa ang pobreng buntis pero hindi siya pinakinggan ng mga lespu na nagpanggap pang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Pagdating sa istasyon, agad na isinailalim sa strip search ang biktima, kinuhanan ng mug shot at finger prints at itinuring na mala-palos at notoryus na kriminal. Ang Strip search ay isa sa mga prosesong isinasagawa ng PNP partikular ng mga naka-assign sa Anti-Illegal Drugs sa bawat presinto kapag nakasilo ng mga “kumpirmadong” kriminal.

Ito ang paghanap ng mga kontrabado, armas at anumang mga iligal na droga sa katawan ng isang partikular na tao sa pamamagitan ng pagpapahubad sa lahat ng saplot nito sa katawan.

Sa isinagawang open investigation ng BITAG, nakumpirma naming hindi lehitimo ang ginawang pag-aresto at walang sapat na basehan ang kasong pilit na ipinararatang sa biktima.

Ang mga hinayupak na kolokoy na mga pulis, nagpa-tsamba-tsamba lang pala sa kanilang paghuhuli para makakubra ng pera at makapambiktima ng inosenteng walang kalaban-laban!

Ang akala mo’y inosenteng hepe ng QCPD Station 12 na si Col. Zacarias Noel Villegas, utak pala ng krimen na siya pang mismong nag-apruba sa mission­ order ng mga utak-kriminal niyang mga bataan! Kaya ayun, lahat silang magkakakuntsaba na umaresto kay “Anna” nagbababad na sa kangkungan, kulang na lang manghiram ng mukha sa aso sa sobrang kahihiyan!

Maging sampol at babala na ito sa mga tarantadong pulis at pinunong pinipendeho at nagpapapendeho sa kanilang mga nasasakupan. Marami na ang pumalpak at nahulog sa BITAG!

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected]. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon­ City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

ANG STRIP

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

KALAW HILLS

NEW BILIBID PRISON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PULIS-KYUSI PRESINTO DOSE

STRIP SEARCH

SYJUCO BLDG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with