^

Punto Mo

Sampolan ang ilang komedyante

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAGING malaking isyu ang paggamit ng komed­yanteng si Vice Ganda sa respeta­dong broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga jokes nito sa publiko.

Matagal nang pinagbawalan ang mga komedyante na gawing katatawanan ang mga taong may kapansanan pero kahit normal at walang kapansanan ay hindi dapat gawing materyales ng mga ito. Panahon na upang bigyan naman ng sapat na kaparusahan ang mga komedyante na madalas gumamit ng mga taong lalaitin para lang makapagpatawa.

Maiintindihan kung bakit hindi agad tinanggap ni Soho ang paumanhin ni Vice Ganda dahil ang ginawa nitong biro o jokes ay sa harapan ng publiko. Televised pa ang kanyang concert noong May 17 sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Si Vice Ganda ay galing sa mga comedy bar kung saan ang pangunahing trabaho nito ay magpatawa at magbigay ng aliw sa mga customer pero ibang usapan na kung ito ay televised at marami ang nanonood.

Isang malaking pagyurak sa pagkatao ni Soho ang paggamit sa kanya ni Vice Ganda para lang makapagpatawa. Maging ang usapin sa pangri-rape ay ginamit din ni Vice Ganda sa kanyang pagpapatawa. Maaaring sabihin ni Vice Ganda at ng ilan na biruan lang naman pero ito ay mapanira at pamemersonal.

Dapat sampahan ng libel si Vice Ganda upang maturuan ng leksiyon. Pero nasa desisyon na ni Soho kung kanyang papanagutin si Vice Ganda. Ang akin lang naman ay para mabigyan ng leksiyon si Vice Ganda at magsilbing babala na rin sa iba pang komedyante na huwag gumamit ng ibang tao sa kanilang pagpapatawa. Makabubuting magpaalam muna ang mga komedyante sa taong gagamitin sa katatawanan. Kung nagbigay ng pahintulot walang problema.

Bagamat nag-public apology na si Vice Ganda na tinanggap naman ni Soho, ang mga nasabi niya sa kanyang concert ay hindi na mababawi. Sana bigyan ng leksiyon ang ilang iresponsableng komedyante.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BAGAMAT

GANDA

JESSICA SOHO

QUEZON CITY

SI VICE GANDA

VICE

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with