^

Punto Mo

Lampong(268)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

G USTO sanang pigilan ni Tanggol si Jinky sa balak nitong paliligo sa sapa. Alam ni Tanggol na nasa panganib si Jinky kapag may mga taong nakakita rito habang naglulunoy sa malinis na tubig ng sapa. Alam niya, hubo’t hubad si Jinky. At sinumang lalaki ay tiyak na maaakit sa babaing hubo’t hubad na naliligo. Lalo pa nga at napakaganda ni Jinky. Parang hubad na diwata na naglulunoy sa sapa. Sa linaw ng tubig, kitang-kita ang kabuuan ng katawan ni Jinky habang lumalangoy. Katulad ng nakita niya minsan nang sundan ito rito at naligo.

Pero hindi na niya pini­gilan si Jinky. Baka mabisto lamang ang itinatago niyang pagkatao. Baka sa pagtutol niyang maligo ito ay magkaroon ng hinala.

Pinagbuti na lamang niya ang pagbabantay kay Jinky. Maaaring may mga taong lihim na sumusubaybay kay Jinky. Tiyak na naghihintay lamang ng pagkakataon sina Pac para pagsamantalahan si Jinky. Sa tipo ni Pac ay hindi ito titigil hangga’t hindi natitikman si Jinky. Naalala niya nang minsang magtungo si Pac sa bahay ni Jinky. Gigil na gigil ito at tila gustong sibasibin si Jinky.

Sa kabila naman na maaaring pagmasdan ni Tanggol ang kagandahan ni Jinky habang naglulunoy sa sapa ay hindi niya ginawa. Iginagalang niya si Jinky. Kaiba ngayon ang sitwasyon. Pipigilin niya ang sarili na huwag tingnan ang kagandahan ni Jinky. Saka na lang. Sa darating na panahon na lang.

Nasa ganoong pag-iisip si Tanggol nang makarinig siya nang nag-uusap. Malakas ang pag-uusap. Tila mga lasing. Nagtago si Tanggol. Nang silipin niya, nakita ang dalawang lalaki na pahapay-hapay dahil sa kalasingan. Patungo ang mga ito sa sapa. Narinig niya na balak maligo ang dalawa!

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

GIGIL

IGINAGALANG

ITUTULOY

JINKY

KAIBA

KATULAD

NIYA

TANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with