^

Punto Mo

Major Manuel, i-raid mo bahay ng Gutierrez couple

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

PALAKPAKAN ang CIDG sa pagka-raid nila ng opisina ni Apeng Sy sa 432 Estero Cegado St., Quiapo kahapon kung saan siyam katao ang naaresto. Nakumpiska ng CIDG sa opisina ni Apeng ang 15 telepono, 2 fax machines, 6 pieces piso Internet machines, 3 television sets, upuan at lamesa, P3,669 cash at iba’t iba pang ebidensiya. Pero ang tanong bakit kay Apeng Sy lang? Kasi nga, andyan naman ang opisina nina alyas Pacia, Boy Abang, SPO4 Gener Presnedi alyas Paknoy at alyas Jeff sa Sampaloc at Lando Simbulan sa Tondo subalit hindi sila nagagalaw? Gayunpaman, nais ko pa ring batiin si Maj. Carlo Manuel, hepe ng CIDG Manila Field Office dahil sa kanyang accomplishment. Hinahamon ko si Manuel na salakayin din niya ang bahay sa 969 Wagas St., Tondo, Manila dahil doon nire-remit ang kita ng video karera opera­tions ng mag-asawang Romy at Tina Gutierrez. Saludo ako kay Manuel kapag na-raid niya ang bahay ng mag-asawang Gutierrez, na iniiwasan din ng mga bataan ni MPD director Chief Supt. Alex Gutierrez.

Kaya lang maaga pa para magsaya ang tropa ni Manuel. Ayon kasi sa aking bolang kristal, nag-iimbak ng ebidensiya ang abogado ni Apeng para magsampa ng kaso kay Manuel at mga tauhan niya sa Ombudsman. Nakuuu! Lagot ang retirement benefits ni Manuel at mga tauhan kapag nagkataon. Sinabi kasi ng mga kosa ko sa MPD na hindi armado ng search warrant ang tropa ni Manuel nang isagawa ang raid. Kung meron man silang search warrant, hindi ito angkop sa kautusan ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima na ‘wag mag serve ng warrants tuwing Biyernes o weekends kapag walang korte. Eh halos 2 a.m. na ng pasukin ng mga bataan ni Manuel ang opisina ni Apeng Sy at wala nang karera, ayon sa mga kosa ko. Maaga pa lang kasi, napaligiran na ng CIDG ang opisina at hindi na nakapalag ang mga tauhan ni Sy nang puwersahan nilang pasukin ito, ayon sa mga kosa ko.

Ang hindi lang maganda CIDG director Chief Supt. Frank Uyami Sir, ayon sa mga kosa ko, isinagawa ni Manuel ang raid matapos mag-abot ng lingguhang intelihensiya si Apeng Sy kay alyas Solomon. Si Solomon ang alyas na ginagamit ni SPO1 Edmund de Jesus, na bata ni Manuel, para paikutan itong “no take, no contact” policy ni Uyami. Talagang may galit si Manuel kay Apeng dahil noong Martes, tatlong jeepney ang pumarada sa CIDG office sa Manila.  Subalit ang anim na trabahador ni Apeng lang ang iniwan at ang iba ay pinakawalan. Kung sa bawa’t tao ay tig-P1,000 para sa kalayaan nila, eh di may kita ang tropa ni Manuel, di ba Gen. Uyami Sir?

Teka nga pala. Bakit pinapayagan ni NBI director Nonnatus Caesar Rojas si Emeng Macasaet na yurakan ang pangalan niya sa pasugalan? Nag-iikot kasi si Macasaet at ibinabando na siya na ang kukuha ng lingguhang intelihensiya ni Rojas at tiyak hindi papayagan yan ni Justice Sec. Leila de Lima. Ipaaresto mo si Macasaet Sec. de Lima Ma’m! May karugtong!

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ALEX GUTIERREZ

APENG

APENG SY

BOY ABANG

CARLO MANUEL

CHIEF SUPT

MANUEL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with