^

Punto Mo

Editoryal - Huwag nang mag-field trip

Pang-masa

SA field trip lang pala masasayang ang buhay ng mga anak na iningatan. Kung walang field trip, wala sanang namatay at walang nagdalamhati. Dapat pa ba ang field trip? Hindi na. Maghanap na lamang ng ibang ligtas na aktibidad para sa mga estudyante. Huwag sa field trip na mistulang ipinapain lamang ng mga school ang mga estudyante sa kapahamakan.

Tulad nang nangyari sa tatlong estudyante ng Marinduque State College na namatay nang ang sina­sakyang tourist bus ay bumangga sa isang delivery truck sa Tuba, Benguet noong nakaraang linggo. Ang tatlo, sina Diane Laurio, 18, Marvin Palatino, 31, at Princess Pastorfide, 19, ay kabilang sa 31 Tourism students na nagtungo sa Baguio para sa kanilang field trip na requirements umano sa kurso. Bukod sa tatlong estudyante, dalawang guro, isang drayber at isang tour guide ang namatay sa malagim na aksidente. Ayon sa police report, mabilis ang pagpapatakbo ng drayber at nag-overtake pa sa isang sasakyan nang mabangga ang truck. Noong Biyernes, nabatid na namatay na rin ang isa pa sa mga estudyante na naka-confine sa ospital.

Bago pa ang malagim na field trip sa Baguio, dalawang estudyante ng isang school sa Bulacan ang namatay nang mabangga ng inarkilang tourist bus. Nagtungo sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal ang mga estudyante. Ang kanilang sinakyang bus ay ipinarada sa isang palusong na lugar. Nasira umano ang handbrake ng bus at gumulong sa dalawang estudyante.

Marami nang aksidenteng nangyari habang ang mga estudyante ay nasa field trip. May nalunod, napilayan, nadulas, nabagok ang ulo at kung anu-ano pa. Sa pagkakataong ito na marami ang namatay na estudyante, dapat nang ipag-utos ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) ang pagpapatigil sa field trips. Hindi ito kailangan. Mas mahalaga ang buhay ng mga estud­yante. Huwag silang ipain sa disgrasya.

 

vuukle comment

CAMP CAPINPIN

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIANE LAURIO

ESTUDYANTE

FIELD

HIGHER EDUCATION

HUWAG

MARINDUQUE STATE COLLEGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with