^

Punto Mo

Gen. Espina, isama mo na sa listahan si SPO4 Gener Presnedi

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MALAKING hamon kay NCRPO chief Dir. Leonar­do Espina si SPO4 Gener Presnedi, alyas Paknoy. Si Presnedi ang yumayabong na financier ng bookies ng karera sa Maynila. Nais ni Espina na linisin ang NCRPO sa scalawags, na “anay” na sumisira sa imahe ng PNP. Maraming tiwaling pulis na ang sinibak ni Espina at palagay ko dapat na niyang isama sa listahan si Presnedi. Naniniwala si Espina na iilan lang ang bugok sa PNP na dapat walisin para maibalik ang tiwala ng mamamayan. At isa sa mga bugok si Presnedi, na manugang ng isang doctor sa Tondo kaya may capital siya sa illegal na negosyo niya. Get’s n’yo mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko sa Maynila na halos kay Presnedi na ang mga bookies ng karera sa sakop ng Station 1 at 7 sa Tondo. Anila, halos lahat ng mga pulis na may negosyong bookies ng karera ay naka-umbrella na kay Presnedi. Naitsa puwera na raw si Pacia, ang umbrella king ng bookies ng karera sa Maynila. Dati kasi, si Pacia ang namamayagpag subalit sa ngayon, si Presnedi na ang bukambibig ng mga parukyano ng mga bookies ng karera. May ibubuga kaya si Presnedi kay Espina? Puwede, dahil ang ipinagyayabang ni Presnedi ay may intelihensiya na siya sa national, na ang tinutukoy ay ang NCRPO, CIDG, IG, GAB at iba pang ahensiya ng gobyerno kaya hindi magalaw-galaw ang mga puwesto niya. Dapat din sigurong busisiin ng Napolcom si Presnedi.

Sa bandang Sampaloc, ang kakutsaba ni Presnedi ay si alyas Jeff, na ang locator ng mga butas ng karera ay ang isang barangay chairman. Sinabi ng mga kausap ko na hindi naman pinapansin ni Jeff kung manalo o matalo ang mga puwesto niya dahil may iba siyang negosyo. Ang naiibang negosyo ni Jeff ay dapat paimbestigahan din ni Espina. Kung sabagay, kalat naman sa Sampaloc kung ano talaga ang tunay na negosyo ni Jeff, na kapitbahay ng kandidato sa pagka-konsehal na si Guia Gomez Castro, sa ilalim ng Liberal Party ng idol kong si Manila Mayor Alfredo Lim. Si Castro ay may kamag-anak na alyas Nardo.

General Espina, madali lang hanapin si Presnedi. Naka-assign siya sa jail ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Manila Police District. Sinabi ng mga kosa ko na 15-30 siya sa CIDU jail. Bulsa service pala ang pinasok ni Presnedi at hindi public service, di ba mga kosa? Tingnan ko kung uubra ang yabang ni Presnedi kay Espina.

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ESPINA

GENER PRESNEDI

GENERAL ESPINA

GUIA GOMEZ CASTRO

LIBERAL PARTY

MAYNILA

PRESNEDI

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with