^

Punto Mo

Lampong (170)

Pang-masa

K INABUKASAN ng gabi, nagbihis nang maayos si Dick. Nagpabango. Isasagawa na niya ang pagganti sa pamangkin ni Puri na si Jinky. Kaila­ngang maging maporma siya at mabango para maakit si Jinky. Kahit pa alam niyang may kursunada rin sa kanya si Jinky hindi siya magpapahalata. Magkukunwari pa rin siyang walang alam sa ginawa ni Puri. Magtatanga-tangahan siya. Hahayaan niya si Jinky na magsabi ng lihim ni Puri. At siguro mas marami siyang malalaman kay Jinky. Tiyak na mara­ming ikinuwento si Puri sa pamangkin. Baka nga alam ni Jinky kung bakit biglang nagtaksil si Puri. Malalaman niya kung bakit  niloko siya sa kabila na matapat naman siya.

Eksaktong alas-sais ng gabi ay umalis na si Dick para dalawin si Jinky. Siguro naman ay nasa unit na si Jinky. Maaaring dumating na ito mula sa school. Kapag wala pa si Jinky, ay maghihintay siya. Hahayaan niyang makita siya ni Jinky na naghihintay.

Malayo pa ay natanaw na ni Dick na bukas ang ilaw ng unit sa salas. Kung ganoon ay may tao na. Nasa loob na si Jinky.

Hindi na niya sinilip sa bintana kung sino ang nasa loob. Agad siyang kumatok sa pinto. Tatlong mahihinang katok ang ginawa niya.

Walang nagbubukas.

Kumatok siya muli. Nilakasan na ang katok.

Maya-maya ay may na­rinig siyang yabag sa loob. Palapit sa pintuan. Narinig niya ang pagpihit sa seradura.

Binuksan ang pinto.

“Tito Dick!”

“Puwedeng pumasok, Jinky.’’

“Ho? A e sige po, pasok Tito Dick.”

“Baka may bisita ka Jinky.”

“Wala Tito Dick.’’

Pumasok si Dick.

“Maupo ka Tito Dick.’’

“Sinong kasama mo, Jinky?’

“Ho? A e ako lang Tito Dick?”

“Bakit?”

“Ho? A e ako na lang po rito. Kasi…”

Parang nag-aatubili si Jinky.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

BAKIT

BINUKSAN

DICK

EKSAKTONG

HAHAYAAN

JINKY

SIYA

TITO DICK

WALA TITO DICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with