^

Punto Mo

Lampong (158)

Pang-masa

MATANDA ang ipinalit sa kanya ni Puri! Isang senior citizen. Baka anak na lamang nito si Puri!

Pero sa tingin niya ay mayaman ang matanda. Hindi kaya ang matanda ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Puri? Posible. Sa itsura ay mukhang maraming pag-aaring establishment ang matanda.

Nakadama ng galit si Dick kay Puri. Pero pinigil niya ang sarili. Ano pa ang magagawa ng galit niya? Wala na. Si Puri mismo ang umayaw sa kanya. At dapat niyang tanggapin ang lahat nang ito. Ito ang kapalaran niya. Pero sa kabilang banda, hindi niya ganap na maiwaksi ang nadaramang galit dahil naging matapat siya kay Puri. Umiwas siya kay Jinky dahil ayaw niyang mabahiran ng dungis ang relasyon nila. Pero masakit pala ang igaganti sa kanya. Kinawawa siya ni Puri. Sobra ang ginawa sa kanya ng babaing inakala niyang tapat sa kanya.

Humaba ang leeg ni Dick nang makita ang pagbaba ni Puri sa sasakyan. Ang walanghiyang babae at naka­ngiti pa. Maganda ang damit na suot. Tiyak na bigay ni Senior C.

Sinundan niya ng tingin ang dalawa. Nakahawak si Puri sa braso ni Senior C.  Kapit na kapit. Baka nga naman makawala.

Napansin naman ni Dick na umalis na ang BMW na sinakyan ni Puri at Senior C. May drayber pala! Mayaman talaga. Kaya siguro ganun na lamang ang pagkakahawak ni Puri sa braso ni Senior C.

Sinundan ni Dick ang dalawa. Pumasok ang mga ito sa mall. Maingat na maingat si Dick at baka makita siya ni Puri.

Pumasok sa department store ang dalawa. Nakahawak pa rin si Puri kay Senior C. Tinungo ang section para sa mga damit pambabae.

Hindi humihiwalay si Dick. Kapag nagkaroon siya ng tiyempo, lalapitan niya si Puri. Hihintayin niya na mag-CR ang matandang kasama. Bahala na kung ano ang masabi niya kay Puri.

Pumipili ng damit si Puri. Pawang mamahalin ang pinipili nito. Nakangiti si Puri habang ginagawa iyon.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

BAHALA

NAKAHAWAK

NIYA

PERO

PUMASOK

PURI

SENIOR C

SI PURI

SINUNDAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with