^

Punto Mo

Pinili ang pamilya

Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Ervin, binata at empleyado sa isang private company. Mayroon akong girlfriend na kasama ko rin sa kompanya. Five months na ang aming relasyon at mahal ko siya. Pero nabalitaan ko na may lihim na relasyon siya sa aming boss. May edad na ang boss namin at may asawa’t mga anak. Nang tanungin ko siya, matagal bago siya umamin. Pero sabi niya sana ay maunawaan ko siya. Ibig daw niyang mahango sa hirap. Marami silang magkakapatid at tatlo ang pinag-aaral niya. Parehong matanda na ang kanyang mga magulang at sa kanya umaasa ang pamilya. Nakipag-break siya sa akin at masamang-masama ang loob ko. Bakit ganoon? Ano ang dapat kong gawin?

Dear Ervin,

Ang dapat mong gawin ay kalimutan siya. Obvious na prayoridad niya ang kanyang pamilya at handa niyang isakripisyo ang kaligayahan para sila maitaguyod. Mali ang ginagawa niya pero dapat mo pa ring igalang ang kanyang kagustuhan. May mga desisyon sa buhay na makabubuti sa iba pero magdudulot naman ng sakit sa atin. Ibaling mo na lang sa iba ang iyong pag-ibig. Tiyak kong makakakita ka rin ng iba at higit sa kanya.

vuukle comment

ANO

BAKIT

DEAR ERVIN

DEAR VANEZZA

ERVIN

IBALING

IBIG

MARAMI

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with