^

Metro

Mister pinutulan ng ari ni misis

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tapos ang kaligayahan ng isang mister makaraang putulin ang kanyang ari ng sarili niyang misis sa loob ng isang motel sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Nakaratay ngayon sa Pasay City General Hos­pital ang biktimang naki­lalang si Rodolfo del Rosario, 51,  at residente ng Tondo, Maynila habang kinilala nito ang suspek na misis na si Radina, 34.

Sa ulat ng Pasay City Police-Station Investigation and Detective Ma­nagement Section, dakong alas-11:30 kamakalawa ng gabi nang mag-check-in ang mag-asawang del Rosario­ sa Room 3 ng Galaxy Lodge na nasa Taft Avenue, Pasay.

Ayon sa saksing si Nestor­ Daganato, roomboy, dakong alas-12:20 ng mada­ling-araw nang lu­mabas sa kuwarto si Radina na agad namang sinundan nang nagsisigaw at hubo’t hubad na si Rodolfo na tinatakpan ng duguang bedsheet ang ari at humingi ng saklolo para maisugod sa pagamutan.

Sa halip na tulungan ang biktima, sinundan umano ni Daganato ang misis na nakasakay na agad ng taxi.  Sinabihan naman nito na magbihis umano ang biktima at iniwan ngunit nang bumalik siya sa kuwarto ay nakaalis na ito at mag-isang isinugod ang sarili sa ospital.

Nabatid na nagtalo umano ang mag-asawa sa loob ng kuwarto ukol sa akusasyon ng misis sa pambababae ng lalaki na itinanggi naman nito.  Nang makatulog dahil sa kala­singan, dito na sinamantala ng babae na putulin ang ari ng mister gamit ang hindi mabatid na patalim.

Samantala, wala nang remedyo na maibalik pa ang pagkalalaki ni del Rosario dahil sa nawawala na ang parte na pinutol.

Nabatid na nang balikan ng mga imbestigador ang kuwarto na tinuluyan ng mag-asawa, nilinis na ito ng mga roomboy at may iba nang naka-check-in.

 

vuukle comment

DAGANATO

GALAXY LODGE

NABATID

NANG

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOS

PASAY CITY POLICE-STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MA

RADINA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with