^

Balita Ngayon

'Smooth transition' sa BGC - Binay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit ni Makati Mayor Junjun Binay ngayong Huwebes na dadahan-dahanin lamang ng Makati City ang pagkuha sa sa Bonifacio Global City mula sa hurisdiksyon ng Taguig City kasunod ng desisyon ng Court of Appeals.

Itinanggi ni Binay na tila isang pananakop ang ginagawa ng Makati City sa BGC dahil gusto nito ng agarang paglipat ng karapatan sa naturang business district.

"We want a smooth transition. We don't want to be antagonistic," paliwanag ni Binay. "It's not an invasion of Makati over BGC."

Nitong Lunes ay kinatigan ng CA ang paghahabol ng Makati na parte ng kanilang lungsod ang BGC na dating Fort Bonifacio camp. Binaligtad ng appellate court ang naunang desisyon ng Pasig Regional Trial Court na pumapanig sa Taguig City noong 2011.

Kaugnay na balita: Taguig ayaw pang bumitiw sa BGC

Sinabi pa ni Binay na handa naman silang makipaghati sa Taguig mula sa mga kikitain ng BGC.

"We're willing to share the money (from BGC) with them," sabi ni Binay nang tanungin kung bakit hindi na lamang ipaubaya ito sa maliit na lungsod ng Taguig.

Kaugnay na balita: Pateros inaangkin din ang BGC

Dagdag ng alkalde na sa inaayos na nila ang paglilipat ng commercial at business district mula sa Taguig City at aniya sa lalong madaling panahon ay mararamdaman na ito sa pinag-aagawang lugar.

"We are in a period of transition. We will make our presence felt in that area. Lalagay natin mga tao natin dun. Within the next coming weeks, makikita na ang presence ng Makati dun," sabi ni Binay.

BGC

BINAY

BONIFACIO GLOBAL CITY

COURT OF APPEALS

FORT BONIFACIO

MAKATI

MAKATI CITY

TAGUIG

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with