Tambalan nina James at Kathryn, most-watched show hanggang ibang bansa!

MANILA, Philippines — Mainit ang naging pagsalubong ng mga manonood sa comeback teleserye nina Kathryn Bernardo, James Reid at Maja Salvador matapos mag-premiere ang Someone, Someday bilang most-watched show sa Netflix Philippines sa loob lamang ng 12 oras. Pasok din ang serye sa listahan ng Top 10 most-watched shows sa Singapore at Malaysia.
Inabangan din ng mga Kapamilya ang TV premiere ng primetime serye noong Lunes (Hulyo 27) na nakapagtala ng 334,170 peak concurrent viewers o sabay-sabay na nanonood sa YouTube.
Nakakuha rin ito ng iba’t ibang trending topics sa X matapos puriin ng mga manonood ang “refreshing” na kwento na handog ng serye.
Ipinakilala sa pilot episode ang matibay na samahan ng mag-BFF na sina Billy (Kathryn) at Jordan (James) lalo na noong palakasin ni Jordan ang loob ni Billy nang iwanan siya sa altar ng kanyang fiancé (JC De Vera).
Ibinida rin sa episode ang pagiging mapagmahal na ate ni Billy na handang gawin ang lahat para sa kanyang kapatid na si Oliver (Migz Casimiro) na may sakit na diabetes. Kaabang-abang din ang mga susunod na episode sa pagpasok ng misteryosong karakter ni Maja.
Napapanood ang Someone, Someday gabi-gabi sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook at TFC. Napapanood din ito ng 72 hours in advance sa Netflix at 48 hours in advance sa iWant.
Baron, NR sa pasaring ng misis
Pulos good vibes ang pino-post ni Baron Geisler lately.
NR o no response/reaction na siya sa pahayag ng kanyang asawang si Jamie Evangelista tungkol sa “drug rehabilitation.”
May post siyang nakikiuso sa dance trend sa clinic kung saan nag-comment ang kanyang misis habang siya ay pini-facial.
Naglaan din siya ng oras kasama ang anak na si Sophia kay Nadia Montenegro. Makikitang kumain sila sa isang Japanese restaurant.
Ipinapakita niyang masaya silang mag-ama. May photo pang yakap ni Baron si Sophia.
“Mahal kita anak ng sobra!” pahayag niya sa caption, kalakip ang red heart emoji at naka-tag ang anak.
Maaalalang more than a week ago nang magpahiwatig ang kanyang misis na meron silang pinagdaraanan kung saan sinabi nitong kailangan ng actor na sumailalim sa “drug rehabilitation.”
Pasaring niya, “Maghanap ka ng sponsor para sa drug rehabilitation na makatutulong sa iyong problema. Duda ako kung mapapagaling ‘yan ng facial,” something to that effect na comment ni Jamie sa isang post ni Baron na nagpapakita sa actor habang nasa isang aesthetic clinic.
Kaya naman nagkaroon ng usap-usapan na maaaring bumalik sa bisyo si Baron, na dati nang nakipaglaban sa drug at alcohol addiction.
Pero mas pinili ang actor na ‘wag ‘yung sagutin at palakihin.
- Latest




















