Retiradong parak timbog sa droga

IRIGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang isang retiradong pulis matapos na maaresto ng mga dating kabaro sa inilatag na buy-bust operation sa Brgy. San Francisco, Iriga City, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang suspek na kinilalang si “Staff Sgt.Edward”, 45-anyos, residente ng naturang lugar at itinuturing na high value individual.
Sa ulat, matagal na minanmanan ng mga dating kabarong pulis si Staff Sgt. Edward dahil sa natanggap na intelligence report hinggil sa pagkakasangkot nito sa iligal na kalakaran ng droga. Nang makumpirma, dakong alas-8:45 ng gabi ay agad inilatag ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Special Operation Unit 5, PNP Drug Enforcement Group, PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group at Iriga City Police.
Mabilis na inaresto ang suspek makaraang iabot sa poseur buyer ang biniling droga. Nabawi mula sa kanya ang 5 piraso ng plastic sachet ng shabu, na tumitimbang ng 9.6 gramo at nagkakahalaga ng P65,280.
- Latest





















