^

Bansa

House prosecution ‘di bibitiw, handa sa matagal na paglilitis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
House prosecution âdi bibitiw, handa sa matagal na paglilitis
Ito ang iginiit ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua sa panayam sa Balita sa Kongreso ng DZBB , matapos tanungin kung handa ba ang prosekusyon sa isang paglilitis na maaring umabot ng pito hanggang walong buwan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Handa ang House prosecution panel na ituloy hanggang sa huli ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kahit gaano pa ito katagal.

Ito ang iginiit ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua sa panayam sa Balita sa Kongreso ng DZBB , matapos tanungin kung handa ba ang prosekusyon sa isang paglilitis na maaring umabot ng pito hanggang walong buwan.

Giit ni Chua, walang bibitiw at gagawin nila ang lahat ng makakakaya para maiprisinta sa ating mga kababayan at sa impeachment court ang mga ebidensya base sa bawat artikulo ng impeachment.

Nilinaw naman ng kongresista na hindi naman ibig sabihin nito ay aabot talaga sa ganoon katagal ang pagliitis dahil lamang sa kanilang panukalang 62-araw ng presentasyon ng ebidensya.

Nakabatay lang aniya ang pagtatayang ito sa pag-aakalang isang testigo lamang ang ihaharap sa bawat pagdinig, maaari naman aniyang mas mapaikli ang proseso kung dalawa o tatlong testigo ang maipiprisinta sa isang araw.

Paliwanag pa ni Chua na maaari rin hindi na iharap ng prosekusyon ang lahat ng apat na artikulo ng impeachment kung sa tingin nila ay sapat na ang naiprisintang ebidensya para makamit ang hatol sa pagkakasala.

Ipinaliwanag din ni Chua kung bakit dumami ang mga dokumentong kailangang iproseso sa panahon ng pre-trial.

Ayon sa kanya, mayroon silang humigit-kumulang 4,000 ­acknowledgment receipts na may kaugnayan sa paggamit ng confidential funds. Ngunit dahil tumanggi ang kampo ng depensa sa isang common marking procedure at iginiit na magkahiwalay na markahan ang parehong mga dokumento, nadoble ang bilang ng mga dokumentong kinailangang iproseso.

“Pwede naman kasi ang common marking, kung saan iisang dokumento na lamang ang lalagyan ng marka ng prosekusyon at depensa,” ani Chua.

“Pero dahil ayaw pumayag ang depensa at gusto nilang magkahiwalay ang pagmamarka, ang 4,000 dokumento ay naging 8,000,” dagdag niya.

Nakatakdang simulan ng Senado, bilang impeachment court, ang pormal na paglilitis sa Hulyo 6. Kinahaharap ni Duterte ang impeachment kaugnay ng mga alegasyon ng ma­ling paggamit ng confidential funds, hindi maipaliwanag na yaman, panunuhol na kinasasangkutan ng mga tauhan ng Department of Education, at mga bantang binitiwan laban sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

HOUSE

JOEL CHUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with