^

Bansa

Higit 50 armas ni VP Sara, mister ‘di idineklara sa SALN - Ridon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa tinatayang mahigit 50 armas na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawa, si Atty. Manases “Mans” Carpio, ang umano’y hindi idineklara sa kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Ito ay ibinunyag nitong­ Martes ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, miyembro ng prosecution panel ng Kamara. Ayon kay Ridon, ang mga nasabing armas ay pag-aari ng mag-asawang Duterte mula pa noong 2007 hanggang 2025.

“Hindi nakalista sa SALN sa kahit anong taon mula 2007 hanggang 2025. To be clear, non-disclosure ito ng mga pag-aari sa SALN,” ani Ridon, na iginiit na ito ay malinaw na paglabag sa batas.

Nabunyag ang isyu kaugnay ng nalalapit na paglilitis kay VP Sara sa Senate Impeachment Court, kung saan siya ay nahaharap sa apat na paglabag sa Articles of Impeachment.

Kabilang umano sa mga armas ay revolvers, shotguns, at rifles na nakarehistro sa PNP–Firearms and Explosives Office (FEO), ngunit hindi isinama sa SALN. Tinatayang milyun-milyon ang halaga ng mga ito.

Dagdag pa ni Ridon, sa paglilitis ay hihilingin nilang ipatawag ang mga dealers at valuation experts upang ipaliwanag kung bakit hindi naidagdag sa SALN ang mga nasabing armas. Sa tala, nasa 30 ang nakarehis­tro kay Mans Carpio, habang 28 ang nasa pangalan ni VP Duterte.

Ipinunto pa niya na kung si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay na-impeach dahil sa hindi pagdeklara ng ilang assets sa SALN, dapat lamang na maging patas ang Senate Impeachment Court sa paghatol laban kay VP Sara.

GUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with