^

Probinsiya

Pulis na kritikal sa pamamaril ng kabaro, pumanaw na

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumanaw na nitong Huwebes ang isang pulis na malubhang nasugatan nang barilin ng kabaro nito habang papaalis na sa lugar ng drug bust operation  noong Enero 9 sa Gen.Trias City, Cavite.

Matatandaan na nitong Enero 9, alas-8:20 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust ope­ration ang General Trias City Police Station sa Barangay Santiago, General Trias City, Cavite na kung saan ay naaresto ang  drug suspek na si alyas “Ace”, nasa hustong gulang na nakumpiskahan ng mahigit 6 gramo ng shabu.

Paalis na umano ang biktima at mga kasamahan upang dalhin na sa police station si alyas “Ace” nang sa hindi umano malamang dahilan ay bigla na lang silang pinagbabaril ng isang pulis na nakadestino sa ng Maritime Group na kinilala sa alyas “VY”, residente ng lugar.

Tinamaan si Vizmanos, na dinala sa Gentri Doctors Medical Center at naging kritikal ang kondisyon hanggang sa bawian ng buhay nitong Huwebes.

ACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with