^

Probinsiya

191 augmentation police mula Quezon tumulong sa seguridad sa INC rally

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 191 na operatiba ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang ipinadala sa Maynila para tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa nagaganap na tatlong araw na INC rally.

Pinangunahan ni QPPO Director PCol. Romulo Albacea ang sendoff ceremony noong Sabado at nagbilin sa mga personnel ng Que­zon Police na bigyang-diin ang kahalagahan ng disiplina at propesyuna­lismo ng mga miyembro ng Civil Disturbance Management (CDM) contingent na siyang mamamahala sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa tatlong araw na aktibidad.

Ang ipinadalang 191 personnel ay itinalaga para tumulong sa security coverage, magbigay ng police visibility, at mabilis na tumugon sa anumang sitwasyong maaaring maganap sa lugar ng rally.

Tiniyak ng QPPO ang kanilang ganap na kahandaan at patuloy na koordinasyon sa iba pang ahensya upang matiyak ang ligtas, maayos at mapayapang pagsasagawa ng aktibidad.

Naninindigan din ang tanggapan sa mandato nitong protektahan ang publiko at suportahan ang mga gawain nakabatay sa demokratikong karapatan ng mamamayan.

Sa kabila nito, tiniyak ni Col. Albacea na tuluy-tuloy ang serbisyo ng QPPO sa buong lalawigan ng Quezon at pinaigting ang mga anti-criminality campaign.

OPPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with