^

Probinsiya

2 NPA rebels utas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang matapos na makasagupa ang tropa ng mga sundalo sa Brgy. San Jose, Mapanas, Northern Samar nitong Miyerkules.

Sa report ng Army’s 8th Infantry Division (ID), dakong alas-4:27 ng hapon habang kasalukuyang nagsasagawa ng focused military operations ang mga elemento ng militar nang masabat ang mga armadong rebelde.

Nasa tinatayang mahigit sampung rebelde ang nakaengkuwentro ng mga sundalo sa nasabing lugar.

Sa nasabing pagpapanagpo ay agad nagkaroon ng mainitang palitan ng putok sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng komunistang grupo.

Ang palitan ng putok ay tumagal ng ilang minuto na ikinasawi ng dalawang rebelde na inabandona ng mga nagsitakas ang mga itong kasamahan.

Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa tropa ng mga kawal ng pamahalan sa nasabing bakbakan.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with