28-anyos, ni-rape ng sekyung kapitbahay
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang isang guwardya dahil sa puwersahang panggagahasa umano sa isang 28-anyos na ginang na kanyang kapitbahay sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “She”, may-asawa, housewife habang ang suspek ay si alyas “Neo”, 49, binata, security guard; kapwa residente ng Brgy. Assumption sa SJDM City.
Sa report ng pulisya, bandang alas-2:00 ng madaling araw nitong Agosto 25 habang nasa kasarapan ng tulog ang biktima nang naalimpungatan siya nang maramdamang may biglang pumatong sa kanyang katawan.
Nakita niya ang gigil na gigil na suspek na puwersahang nagpaparaos sa kanyang nanghihinang katawan dahil sa pagkabigla at takot.
Nang makatiyempo, agad humingi ng saklolo ang biktima sa mga awtoridad na rumesponde sa lugar kaya naaresto kalaunan ang kapitbahay na suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 8353 habang nakakulong na sa himpilan ng pulisya.
- Latest





















