14 mangingisda stranded nasagip sa Palawan
MANILA, Philippines — Nasa 14 mangingisda ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na magkaaberya ang makina ng kanilang sinasakyang bangka sa Barangay Malis, Brooke’s Point, Palawan.
Ayon sa PCG, nasira ang makina ng bangkang FB C-Jay, na kinalululanan ng 14 na mangingisda sanhi upang mangailangan ng tulong ang mga ito.
Kasalukuyan na umano silang naglalayag pabalik ng Puerto Princesa City pagkatapos ang ginawang pangingisda sa El Nido, nang maganap ang insidente.
Kaagad namang nagkasa ng search and rescue operation ang PCG at sinagip ang mga na-stranded na mangingisda. Anang PCG, pawang nasa maayos na kondisyon naman ang lahat ng crew ng nasabing fishing boat.
- Latest


















