^

Probinsiya

2 scam hub sa Cavite ni-raid: 10 arestado!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang scam hub ang sinalakay at inaresto ang 10 indibiduwal na naaktuhan ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa harap ng mga computer na nakikipag-usap sa kanilang kliyente sa Bacoor City, Cavite, noong Martes.

Sa ulat ng NBI-Cavite North District Office (CAVIDO) kay NBI Director Judge Jaime Santiago, isinailalim na sa inquest proceedings sa Bacoor City Prosecutor’s Office ang mga ‘di pinangalanang suspek sa paglabag sa Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) at R.A. 12010 (Anti-Financial Accounts Scamming Act).

Nabatid na matapos makatanggap ng impormasyon ang NBI-CAVIDO North ay agad nagsagawa ng surveillance laban sa dalawang residential houses na ginagamit na scam hub, kung saan mga Pinoy ang nagpapatakbo, foreign national umano ang may-ari.

Nang makakuha ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD), noong Agosto 19, 2025, ipinatupad ng NBI-CAVIDO North, kasama ang lokal na pulis, ang WSSECD sa mga bahay na tinutukoy ng impormante.

Ang mga suspek ay nadatnan na nakikipag-usap sa mga kliyente gamit ang mga pekeng social media account.

Nasamsam ang maraming SIM card at iba’t ibang cellular phone.

Sa on-site examination na isinagawa ng NBI Cybercrime Division (NBI-CCD) natukoy na ang mga suspek ay sangkot sa fraudulent scheme, gamit ang data, scripts, notes, spiels at mga program para sa illegal access, misuse of devices, computer-related fraud at social engineering scheme.

Ipinaalala ni Santiago sa publiko na maging mapagmatyag kapag nakikipag-ugnayan sa social media at digital platform, dahil mabilis na tumataas ang bilang ng mga krimen na ginagawa online.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with