^

Probinsiya

P1,500 Universal Social Pension sa seniors, hirit sa Kamara

Artemio Dumlao, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines —  Pormal na inihain sa House of Representatives ni Nueva Vizcaya Congressman Tim Cayton ang House Bill 2691 (Universal Social Pension) na humihiling ng P1,500 monthly social pension sa lahat ng mga senior citizen sa buong bansa.

Ayon kay Cayton, ang panukala ay handog sa lahat ng mga senior citizens na Pilipino, anuman ang katayuan sa buhay, mahirap man o mayaman.

Sa pahayag ni Cayton, sa loob ng 9 na taon na pagiging mayor sa Dupax del Norte, mula 2016 hanggang 2025, “walang naiwanan sa mga senior citizen” sa kanyang nasasakupan matapos siyang gumawa ng programa para mabigyan silang lahat ng pension. “Walang maiiwan. Let’s give our elders the support and dignity they truly deserve,” pahayag ni Cayton, na isa ring kilalang abogado.

Dahil sa nasabing programa at iba pang mga social services ng LGU Dupax del Norte ay pinarangalan si Cayton bilang “Outstanding Mayor of the Philippines” noong 2023. “Our senior citizens will always occupy a special place in my heart,” dagdag pa ng bagitong mambabatas.

Dahil sa kanyang mga program, naging buo ang suporta ng mga senior citizens, kabataan at residente ng Nueva Vizcaya sa katatapos na hahalang noon May 12, matapos siyang makakuha ng napakalaking boto at magwagi bilang bagong kongresista, sa kabila na siya ang pinakabata sa kanilang pito na magkakatungali.

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with