P5.1 million shabu Samsam sa Marawi
MANILA, Philippines — Isang drug dealer ang nakunan ng P5.1 million na halaga ng shabu ng mga pulis sa isang entrapment operation sa Barangay Basak Malutlut sa Marawi City sa Lanao del nitong Biyernes.
Sa ulat ng mga local government officials ng Marawi City, kinilala ang suspect na si Nur Jamal Dimalutang, kilala sa alias na “Bolkie”, residente ng Marantao Lanao del Sur na hindi kalayuan sa Marawi City, ang kabisera ng probinsya.
Ayon kay Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad inaresto si Dimalutang ng magkasanib na mga operatiba ng Marawi City Police Station at Lanao del Sur Provincial Police Office na kanyang nabentahan ng 750 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P5.1 milyon.
Naikasa ang naturang operasyon batay sa ulat ng mga local executives sa probinsya, ilan sa kanila mga taga Marantao at Marawi City, hinggil sa malakihang pagbebenta umano ni Dimalutang ng shabu sa nasabing lugar.
Ayon kay De Guzman, kasama sa mga nagsagawa ng naturang anti-narcotics operation ang mga kasapi ng ilang units ng PRO-BAR.
- Latest






















