^

Probinsiya

Guro tinadtad ng bala, utas sa ambush

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Guro tinadtad ng bala, utas sa ambush
gad namatay sa mga tama ng bala ang guro na si Jerome Faunillan Etorma (inset) nang tambangan habang sakay ng motorsiklo sa Brgy. Boniao, Mahayag, Zamboanga del Sur ni- tong Huwebes.
John Unson

COTABATO CITY , Philippines — Patay ang isang guro matapos na tambangan at tadtarin ng bala ng mga ‘di kilalang suspek sa Zamboanga del Sur nitong hapon ng Huwebes.

Sa ulat nitong Biyernes ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, sakay ng kanyang motorsiklo si Jerome Faunillan Etorma, guro ng Dumingag National High School sa Dumingag, Zamboanga del Sur nang tambangan ng mga armado sa isang bahagi ng highway sa Barangay Boniao, bayan ng Mahayag sa naturang probinsya.

Nagawi sa gilid ng highway at doon na nabuwal ang motorsiklo ni Etorma sanhi ng mga tama ng bala sa kanyang katawan.

Mabilis namang tumakas ang mga nag-ambush kay Etorma gamit ang motorsiklo.

Ayon sa mga kapwa niyang guro, wala silang alam na may kagalit si Etorma at umaasa silang magtutulungan ang mga kasapi ng Mahayag at Dumingag Municipal Police Stations sa pagkilala sa mga pumatay sa kanya at anong motibo sa krimen.

vuukle comment

JEROME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with