^

Probinsiya

Barangay kagawad umawat ng lasing, kinatay

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Isang barangay kagawad ang napatay sa paulit-ulit na taga ng itak ng isang la­sing na kanya lang sanang aawatin sa panggugulo nito sa mga kapitbahay sa Brgy. JP Laurel sa bayan ng Malungon sa Sarangani nitong Biyernes.

Ang napaslang na barangay kagawad na kinilalang si Pedrito Moda Tampole, 57-anyos, ay nagresponde lang sa ulat na isang la­sing ang tinatakut-takot gamit ang isang itak ang ilang mga residente sa Sitio Proper sa J.P Laurel ngunit siya ang pinagbalingan nito at pinagtataga na nagsanhi ng kanyang pagkamatay.

Nabaril at nasugatan naman ng mga sundalo at pulis na nagresponde sa insidente ang suspek na pansamantalang hindi muna kinilala habang hinahanda na ang kaso laban sa kanya at ngayon ay nasa isang pagamutan habang guwardiyado ng mga pulis.

vuukle comment

MODA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with