^

Probinsiya

Dalagita nalunod, 1 pa missing sa overnight swimming

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

GUBAT, Sorsogon, Philippines — Patay ang isang dalagita habang isa pa ang nawawala matapos silang lamunin ng dagat habang nagsu-swimming sa may Buenavista Beach Break Surf Camp sa Brgy. Buenavista, Gubat, Sorsogon kamakalawa ng umaga.

Naihaon at walang malay na naisugod pa ng mga rumespondeng rescuers sa Gubat District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang biktima na kinilalang si Angel Laguerta, 15-anyos, residente ng Brgy. Abuyog habang patuloy na pinaghahanap ang kasama nitong si Ashley Jubilo, 19-anyos, ng Brgy. Peñafrancia, lahat ng Sorsogon City.

Sa ulat, magkakasama ang dalawang biktima at kanilang mga kaibigan na nag-overnight sa naturang surf camp.

Gayunman, dakong alas-9 ng umaga muling lumusong sa dagat ang grupo pero dahil sa lakas ng alon ay tinangay ang dalawang biktima at nahiwalay sa mga kasama.

Mabilis namang rumesponde ang rescue group mula sa bayan at naihaon ang wala nang malay na si Laguerta habang pinalawak pa ang search and rescue operation sa nawawalang si Jubilo.

vuukle comment

SURF CAMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with